Tila nga nauuso na ngaun ang early preagnancy. Pero bakit? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na talagang mahirap na ang buhay ngaun kesa dati. But still, some teenagers seems to be in a hurry to make a family. Ang sarap naman sana maging teenager lang. Aral, baon, gala, pa-boyfiend boyfriend. Pero bakit kaya meron paring ilan, na mas malakas yata ang trip to the point na gusto na nilang palakihin yung tyan nila na parang bola. Well anyway, wala naman tayo magagawa sa ganon. Sabi nga nila, kanya-kanyang trip lang yan. Pero pwede naman na, hindi sinasadya yung pagkakabuo kay baby. Kulang lang ba ang kaalaman natin about sex education? O sadyang ayaw lang itong i-apply in real life situations?
Naalala ko tuloy yung isang kakilala ko na sabihin na nating dumaan na sa mga ganyang sitwasyon.
me: bakit 'di siya gumamit ng condom?
her: tanong ko sayo, mas gugustuhin mo bang kumain ng kending may balat kesa wala?
me: ?!?!?!?!?
her: hahaha!
Green pero it really makes sense diba? Siguro nga masyado nila na-eenjoy ang cloud 9 kaya 'di na nila namalayan na they're beyond the limit, not knowing what the consequeces would be. Sabi nga ni Papa sakin lagi kapag pumapalpak ako for some reasons in some situations "Bago ka mag desisyon at gumawa ng isang bagay, pag isipan mo muna ng isandaang beses." Totoo naman. Tama ngang hindi sapat na isang beses mo lang pas iisipan yung isang bagay o desisyon. Madalas, yung inaakala mong tama eh mali pala. At eto pa yung isa sa mga words of wisdom niya "Wlang nagsisisi sa una, laging nasa huli ang pagsisisi". Tama ulit, kaya mas mabuting wag ka na gumawa ng mali at all kesa pagsisihan mo lang s bandang huli. Taking the risk is sometimes too scary. Hindi naman dun nasusukat ang pag-mamahal. O kung sadyang hindi na mapigil, eh gumamit na lang ng contraseptives. Minsan mag iisip muna tayo bago sumige ng sumige. Dahil pag nandyan na, wala ka ng magagawa kundi pangatawanan na lang. Papasukin sa kaliwang tenga at palabasin sa kanan yung mga maririnig mong discrimination sayo. Malas mo pa kung maraming chismosa sa barrio niyo, dahil for sure ikaw ang magiging topic for the whole month o hanggang sa manganak ka. Hindi rin maiiwasan na damay rin pati yung baby mo. Ang masakit pa, nabuntis ka na nga eh iniwan ka pa ng naka-jontis sayo. Bato na lang siguro puso mo kung hindi mo yun pag-sisisihan kahit kaunti lalo na kung wala na nga kayong makain sa bahay eh nagdagdag ka pa ng isa pang pakainin. Pero ok na yun, kesa naman pina-abort mo yung baby. Nagkaroon ka na nga ng kasalanan, eh papatungan mo pa ng isa pang mabigat na kasalanan. Baka buhay ka pa eh sinusunog na sa impyerno yung kaluluwa mo. Buttom line is, wag kang gagawa ng isang bagay na hindi mo kayang panindigan. Naniwala ka sa sinabi ng bolero mong boyfriend na ibigay mo lang sakanya, eh pananagutan niya kung sakaling majontis ka. Nagdilang demonyo naman dahil nabuntis ka nga, dun mo lang nalaman na magaling pala sa hide and seek ang jowa mo. Hindi naman siguro nagkukulang sa payo at pagpapangaral ang parents natin. Ito lang yan eh, WALANG HINANGAD ANG MAGULANG NA MASAMA PARA SA ANAK. Kaya never mong sasabihin na ayaw ka lang nila maging masaya. Wag mong iisipin na lagi na lang sila ang nasusunod. Dahil ng totoo niyan eh, sila talaga ang nakaka-alam kung ano yung tama para sa atin. Nakagawa ka man ng pagkaka-mali gaya ng pagkaka-buntis sayo, magalit man sila dahil sa ginawa mo eh siguradong hinding hindi ka nila kayang hayaan na ganon na lang. Sa kanila ka parin tatakbo. At sila pa rin ang laging nandyan para sayo.
2 comments:
...sometimes we do things na hindi natin naiisip ang consequence...
sometimes we only think of today and not of tomorrow...
Its a sad truth that a lot of young people today are becoming parents at a very young age. I am sometimes shocked when I see girls younger than me with their tummies bulging like they've swallowed a balloon or something.
Yes, I share the same sentiments as you. Masarap naman maging teenager, bakit pipiliin ang buhay na walang kasiguruhan...
But we can't really blame them for whatever they have done. Maybe they are misguided or maybe simply impulsive...
Its a choice they have made and we have to respect that besides, wala na rin tayong magagawa di ba? Andiyan na eh...
I think the best thing we can do is to learn from these people. Let their situations be a lesson to us...=)
Saka sila mag-sisisi pa may nabuo nang bata. Tsk. Mapusok ang mga kabataan ngayon habang lumilipas ang panahon.. Tsk. Kung sana inuuna ang pag-aaral eh noh, kaya ang dami ring out of school youth kasi nga napapaaga ang magka-anak. Tsk again!
Post a Comment