Wednesday, March 4, 2009
Man's Bestfriend
Strayed dogs, that's how you call those dogs in the picture. 'Di ko alam kung pano nasisikmura ng mga taong gumagawa nyan ang pag alipusta sa mga aso. Ako kasi, makakita lang ako ng asong pagala gala sa kalsada naaawa na 'ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit natitiis ng may ari ng aso na yun na pagala gala yung alaga nya. At bakit pa sya nag alaga ng aso kung hindi naman nya aalagaan. Masakit isipin na tinuringan silang mga kaibigan natin, yet karamihan satin ay kabaligtaran naman ang trato sakanila. Isipin mo na lang, tapat na nagbabantay ng bahay mo yung aso, tapos hindi mo man lang sya bigyan ng reward man lang ba. Pag sinabi namang reward, hindi naman kailangan na mamahalin eh. Ano ba naman yung paliguan mo siya kahit twice a week lang, himasin yung ulo nya, pakainin ng regular. Kahit naman aso yan, meron parin yang damdamin. Isa pa kailangan din nila ng pag mamahal at pag aaruga. Gaya ko. I'm a proud to be pet lover. Kahit sabihin mo na askal lang naman yung aso namin. Askal pero special namin tinuturing. At wala kang makikitang kahit isang garapata sakanila. Araw araw nga sila halos pinapaliguan eh, at may sarili silang dog soap. Kahit minsan 'di inisip ni Papa na patayin sila at gawing pulutan. Never!. Pamilya na namin sila. Sana lahat ng may alagang aso pamilya ang turing sa mga alaga nila. Ikaw kaya mo bang makita ang aso mo na gaya ng kalagayan ng mga aso sa picture?. Love your pets.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment