Wednesday, November 18, 2009

A BIG Revelation.


I realized na mali pala magsalita ng tapos. I remember my post entitled "Nanay Na Si Nene". Guess what. Ako na ngayon si Nene. Yep, you read it right. I'm 3 months pregnant with my 1st baby now. Shocking nga. Nabasa ko nga yung post ko at tinamaan ako ng bonggang bongga! Well anyway, wala ako pinagsisihan. Although madaming nagtaka, nagulat at nanghinayang. I'm OK, we're OK. Masaya ako, masaya kami ng Ama ng magiging anak ko. We had no regrets pagdating sa pagkakabuo sa bata. With regards to our parents, ayon both sides were shocked. But they had nothing to do about it na. Besides, my baby is gonna be their first Apo. Big Revelation nga ito. Lalo na sa mga friends ko. Pero full support sila sobra. As in whenever they had a chance to visit me, gora sila! Excited pa nga ata kesa sakin. Same with my family, and my husband-to-be's family. Full support, although my parents was kinda disappointed. Pero now tanggap na nila. Taong-bahay na ako ngayon. Almost 2 months na yata akong out of school. For the sake of my baby narin, kasi uwian ako everyday. 1 hour, minsan 1 1/2 hours ang byahe sa jeep. Too risky for my pregnancy. Pero I'll be going back to school mga 2 years after siguro. And yes! Everything will go back to normal again. Actiually, normal parin naman ngayon. Except nga na 'di na ko pumapasok, AT sa mga strange feelings ko during my pregnancy. Mahirap specially that I'm on my 1st trimester. As in mahirap na masaya. Masaya! Dahil last Nov. 7 I had my first check-up and that was also the first time that I heard my baby's heartbeat! That moment talaga I felt the feeling of being a Mom na. I was so happy to the point na halos maiyak ka na habang naririnig mo yung sound ng heartbeat niya. Lahat ng hirap na nararanasan mo, parang OK na lang dahil alam mong it's worth it. Who cares kung ano man ang sabihin ng iba. All I care about is my baby. Two months to go then malalaman na kung he or she ba si baby. Hehe. Now that's more exciting. You know guys, it's hard to tell pala kung ano mangyayari sayo, not until nangyari na. I learned that it's wrong to put an assurance in everything you think and plan about yourself. Mali na magsalita ng tapos. Dahil ang totoo nyan, you'll never know what the future will bring you. You'll never know what's really planned for you. But th again, life must go on . And always remember that Failure will never overtake you if your determination to succeed is strong enough.






Thursday, May 21, 2009

Nawala Ako

Bakit nga ba? Sa mga chismosa at chismoso na gusto malaman kung bakit, eto na sagot. Umatake ang pagka-ulyanin ko. Nakalimutan ko ng bonggang bongga ang password ng blogger ko. Siy*t. Na-miss ko tuloy kayo. Ehem! Speaking of miss. Anu na ba mga na-miss ko sa blogger world? Ah. I would like to take this oppurtunity (nanalo sa contest? hahah) to thank my co-bloggers who added me on their bloglist. Tats ako (tulo sipon). Siya nga pala, I've updated my blog list. Paki ping nlang ako kung wala ka don ATTTTTT sa nagbigay sakin ng award/s. I love you all! mwuah mwuah!! Hehehe. So, ano ba balita?. Sakin madami. As in. Super. Over. Haha! Kaso, d ko alam kung papanu uumpisahan. Kaya bukas na lang. Ayun, nagbabalik po! :)

Thursday, April 2, 2009

How to get Over on a Past Relationship?


Sabi nila past is past. Sabi lang nila yun. Sinong abnormal ba ang nakakamove-on ng overnight lang? Para sakin mahirap makalimot. In my own experience kasi (ayan na!) uhm, mahirap talaga. Lalo na kapag the two of you had a really good relationship with each other. At mas lalo na, if both of you had been through a long-term-relationship. On the first two days ng break-up nyo, nagagawa mo pang mag matigas at mag panggap na ok ka kahit ang totoo e gusto mo ng mag-suicide dahil sa nangyari. Paano nga ba at ano ang mga dapat at 'di dapat gawin para makamove-on?


~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~


First of all, wag mo na siyang isipin. Oo mahirap pero try not to think of that person anymore. Go out with your friends. Mag libang ka at gawin mo yung mga bagay na sa tingin mo ay makakalimutan mo yung nangyari sayo. Stay involved with the other people in your life. Marami sila na handang dumamay sayo. Pag aralan mo ng tanggapin yung katotohanan na your relationship has ended.

Alisin mo na lahat ng contacts mo sa kanya. Minsan nate-tempt tayo na makipag-usap sa kanila. At kapag ginawa mo pa yun, lalo ka lang mahihirapan. Imbes na pag-aralan mo ng wala siya, sinasaktan mo pa lalo yung sarili mo sa pakikipag-communicate sa kanya. Dahil useless narin naman yung magiging paguusap niyo. It has nothing to do with your self and for you to move-on.

Piliin mo yung type of music na papakinggan mo. Its ok na makinig sa music just make sure na hindi senti. AT make sure na hindi ito nakakapagpa-alala sa masakit na pinagdadaanan mo. Music is powerful in manipulating our emotions. Kaya kung makikinig ka sa music, make sure na kanta yan ni Willie Revillame o kaya ni Vhong Navarro para masaya.

Start dating again! Not immediatetly but be open to it aba aba 'di pa katapusan ng mundo. Single ka so why not dba? Hindi masama na kumilala ng mga bagong tao sa buhay mo. Wag kang mag mukmok. Dapat nga mas madami kang mapatunayan sakanya at sa sarili mo pagkatapos ng nangyari. 'Di mo alam kung kelan ka ulit mag mamahal. At wag mong pipigilan yung sarili mo na magmahal ulit

Focus on yourself. Hindi porket nag hiwalay kayo ay hindi ka naging mabuting partner. Meron lang talagang mga bagay na mas makakabuti kung ititigil na lang, kaysa ipilit. Dahil malay mo, talagang may ibang tao na mas laan para sayo.



~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~


P.S


Opinyon ko lang ang mga yan. Nasa sainyo parin kung anong paraan ang mas madali at sa tingin niyo ay mas makakabuti sa inyo. Happy Healing! :)




Monday, March 30, 2009

Kilala mo ba ang sarili mo?

Ako? simpleng tao lang (simple nga ba?). Gaya ng ibang teenager, mahilig akong sumubok ng mga bagay na bago sa paningin ko. Yun bang magiging "in" ka pag ginawa mo. Hindi naman ako mahirap pakisamahan. As a matter of fact friendly talaga ko at approachable sa mga taong karapat dapat pansinin. Hahaha. Minsan, madalas pala e suplada ako. Lalo na pag 'di ko type yung attitude ng tao. Marami din nagsasabi na mataray ako. San naman nila napulot yung idea na yun, e lahat lang naman ng babangga sakin e nakakatikim ng salita. Ang bait ko nga e. Hahaha again. Pero seriously, ako yung tao na very expressive. Yung kapag may dinaramdam, mahahalata mo agad. Magaling din ako mag hide ng feelings pero madalas pinapakita ko na lang talaga kung ano yung tunay kong nararamdaman. Share ko lang sainyo yung sinulat ko dati, walang date e pero nakita ko lang kanina na nakasulat sa mga lumang notebooks ko nung highschool. Siguro nagse-senti ako nung mga panahon na naisulat ko 'to.

"I'm scared of doing things imperfectly. Not because of what people may think about me, butbecause of what I could think about myself. Sometimes, I really don't know what kind of girl I'am. People often misunderstand me. And i do misunderstand myself too. My greatest fear is to be cheated by someone. I'm tired of being involved on complicated situations. I'm confused about what I really want to be, scared of trying new things and just see myself fail after that. I know that it's better to be trying than to do nothing at all. But i don't know, because me myself is my contradiction. Whenever I start deciding for certain things, there's just something in me that disapproves. And it just makes me confused, and probably ending up with nothing. I never thought that teenage life would be this hard. I miss being just a kid. I miss having no responsibilities. I wish i could turn back time, those times that with just one lollipop i'd be able to stop myself from crying. Because now, even a dozen of lollipops won't do so. 'Cause now when we got hurt, the pains lingers on our minds. It stays in our memory."

at jan nag tatapos ang aking maikling seremonya. Ewan ko nga ba kung ano ang naiisip ko nung mga panahon na yan. Parang broken hearted yata ako jan. Hahaha. Ang tao nga naman 'no? Parang mas madali para sa atin na sa sulat ibuhos yung mga tinatago nating damdamin. Siguro dahil takot tayo sa pwedeng sabihin satin ng kung sinu man na pag sabihan natin ng mga ito. Hindi nga naman sasagot yung papel o ballpen at pagsasabihan ka ng "ang tanga tanga mo naman kasi". Lalong hindi ka mahihiya o matatakot sa sarili mo na aminin kung ano yung totoo mong nararmdaman.