Bakit nga ba usong uso ngaun ang blogging? Yung iba, talagang hilig lang. Yung iba naman, nakikiuso lang. Ano nga ba ang posibleng dahilan ng mga bloggers, para mag blog?
reason # 1, Libangan.
Pwede naman talagang malibang sa pagb-Blog. Maliban na nga lang kung talagang kusang lumalabas yung mga idea na pinopost mo at hindi piniga lang sa utak mo. Pero kung talagang you belong to the blogger's world, eh talagang malilibang ka. Nakakasawa rin naman kasi mag text, lalo na kung wala namang sense yung mga tinetext sau. Nakakasawa rin naman makipag-chismisan sa tindahan. At mas nakakasawang tumanga na lang.
reason # 2, Raket.
Marami akong nababalitaan na talagang ginagawang raket ang pag blog. O diba? nalibang ka na, kumita ka pa. Kesa nga naman maging drug pusher o hired killer ka, eh mag blog ka na lang.
reason # 3, Stress Remover.
Actually, reason ko rin yan bukod sa hilig ko. Subok na stress remover ko ang pagb-blog. Kesa makipag-usap ka sa mga taong walang kwentang kausap eh sa blog mo na lang ibuhos lahat ng sama ng loob mo sa mundo. Wala mang actual na sasagot sayo, eh at least you've let it out. Mas magb=blog na 'ko kesa makipag-usap sa pader.
reason # 4, Para sa social interaction.
Kung para kang makahiya na tumitikom pag nahahawakan ng ibang tao for some reasons , eh bagay kang blogger. You get to interact with other people ng hindi ka nila nakikita face to face. So wala ka ng dapat ipangamba.
at reason # 5, You Belong.
Dahil talagang feel na feel mong mag blog, at wala kang kahirap hirap sa pag iisip ng mga bagong topic o anu man na ipopost mo.
Kahit sino naman pwedeng mag Blog, basta wide ang imaginations mo to tackle new things about you and life in general. Maraming pwedeng sabihin, hindi ka mauubusan.
No comments:
Post a Comment