Thursday, March 5, 2009

mga kalokohang pinoy ( sana maiba na ang kulturang pelikulang pinoy )

marami ka ng paboritong pelikula.

marami ka ng inulit-ulit.

pero alam mo ba ang paghihirap na ginugugol ng
mga prodyuser sa paggawa ng mga pelikulang ito ??

halikayo at samahan nyo ako na ungkatin ang
mga kalokohang pinoy pagdating sa paggawa ng pelikula
na hindi mawari kung sinasadya o tanga lang tlaga sila
sa mga konseptong pelikula ..

>kapag buntis ang asawa, madalas pagdating sa kalagitnaan ng pelikula ee duduguin ito o kaya naman ay bigla itong iiyak at sasabihing " aray!!! ahhh!!! manganganak na ata ako !!! "

>kahit comedy, may action pa din sa plot ng pelikula

>hindi nawawalan ng leading lady kahit pangit ang bida..

>laging may sindikato na kaaway o kalaban ang bida.

>involve ang shabu o pera sa awayan..

>kahit super suntikan, habulan o barilan, hindi man lang pinagpapawisan ang magkaaway.

>pati leading lady marunong bumaril..

>hindi nawawalan ng mga line ang bida at kontrabida lalo na ang mga katagang :
" sumuko ka na !!!" o kya naman ay " uubusin ko ang bala ko sa katawan mo !! "

>kahit maraming problema, may love scene pa rin .

>laging may song and dance number ang bida kahit action star pa sya..

>usually ang kontrabida ay sila paquito diaz, romy diaz, ricky davao at matt ranillo III.

>hindi nawawalan ng kissing scene ang bida kahit nsa gitna sila ng matinding bakbakan at sasabihin sa isa’t isa : " mahal kita, kaya anu man ang mangyari tayo pa rin .. "

>ang bida kahit ubos na ang bala, hindi pa din patay ang kalaban at sugod pa din ng sugod..

>laging namumulot ng baril ang bida kapag ubos na ang bala nya.

>si FPJ, sobrang pawis na pawis kahit naglalakad lang.

> pagkatapos umiyak ng leading lady dahil nabaril ang bida, tsaka lamang ito dadalhin sa ospital.

>kahit huli na ng dalhin sa ospital, marerevive at marerevive pa rin ng doktor ang bida.

>kapag tapos na ang pelikula lalo na ang comedy, biglang magsisitalunan ang mga cast at hihinto ang film.

>kahit hindi marunong manligaw, sasagutin ng babae ang bida lalo na kapag probinsya ang set.

>kahit tumakas ang bida at babae ng pagkalayu-layo ay masusundan pa rin sila ng mga kaaway.

>laging may scene na nag-iinuman at biglang babastusin ang leading lady at ipagtatanggol at gugulpihin ang mga sunog-baga.

>kapag nagkaharap ang magkaaway ay magkakatutukan sila ng baril at parehong walang bala, bigla bgila itong mauuwi sa suntukan.

>kapag nanliligaw ang bida, pupunta ito sa bahay ng babae kahit hindi ipinakita na alam ng bida ang address nito sa mga naunang scene.

>kapag comedy, magkaribal ang bida at kontrebida sa iisang babae.

>usually, hindi nawawala ang sidekick ng bida sa comedy.

>kahit matanda na ang bida, may leading lady a rin.

>kapag nagkamali ang bataan ng sindikato, babatukan ito o kya ay pagsasabihan ng masasamang salita.

>sa comedy, kapag mga babae o sidekick lang, kahit dos por dos ay makapapatay sila ng kalaban.

>laging may dalawang lasing na nag-iinuman kaya lagi silang natatakasan ng hostage o biktima nila.

>kapag may atraso ang bida, gagawing hostage ang pamilya nya.

>hindi nawawala yung pagkaduling o harlequin style na pagkamatay ng mga sindikato.

>ang madalas na title ng mga action ay barumbado tulad ng " sayo ang tondo, akin ang cavite" , " marami ka pang kakaining bigas"

>kapag comedy naman ay madalas na pangalan din ng bida tulad ng " buddy en sol" , " pido dida" , " elvis and presley"

>laging may scene na hinahabol ng mga pulis na naka-mobile ang tumatakbong bida at matatakasan pa rin sila nito.

>sa comedy, usong uso ang mga jukebox o novelty songs para theme songs.

>sa mgafantasy, hindi nawawala ang scene sa ibang planeta.

> ang mga magic e corny ang pagkagawa o makulay lang.

>sa mga superhero, hindi nawawala ang paglipad.

>hindi alam ng babae na hero pala ang leading man nya kahit retaso lang ang maskara nito.

>laging may isang bagay na involve para amging superhero ang bida tulad ng bato , barbell.

>si cesar montano kahit patalikod bumaril e mnakakapatay pa rin .

>nausong gawaan ng " the movie" ang mga youth oriented tulad ng G-MICK at T.G.I.S.

>ang seiko films e expertise ang paggawa ng bold movies..

>usually ang bold dati ay pinapangalan sa maselang bahagi ng katawan na itinatago sa mga pangalan ng pagkain tulad ng "itlog", "patikim ng piƱa" at "talong"

>kapag may love o bed scene na biglang nagfe-fade ang screen at mapupunta sa ibang set.

>kapag nagpa-punchline ang side kick ng bida, macocornihan ang mga kasama at may expression na "ACHECHE!!!"

>sasabihin ng kontrabida na maghihiganti siya sa bida kahit na wala pang ginagawang masama ang bida.

>laging contradict ang mga sidekick tulad nila panchito, babalu at rene requestas.

>kapag mali ang suggestion ng sidekick e hahampasin siya ng diyaryo sa ulo.


coutesy of http://chika-minute.blog.friendster.com/2007/09/mga-kalokohang-pinoy-sana-maiba-na-ang-kulturang-pelikulang-pinoy/

No comments: