All Time Favorite Pulutan ng Pinoy
, musAng mga Pinoy nga naman, makainom lang ok na kahit ano ang pulutan. Ang importante, kumpleto ang tropa. Kwentuhan lang solve na. Pero ano nga ba ang mga paboritong pulutanin ng mga manginginom na Pinoy? ito ay ang mga sumusunod:
* sizzling sisig na karaniwang sine-serve pa ng nasa sizzling plate para mas sosyal. Ok 'tong pulutan. Dahil maanghang at mainit (sizzling nga eh) kaya hindi madaling maubos. Kapal nalang ng dila mo kung susunggaban mo yun habang tumatalsik talsik pa sa sizzling plate.
* lechong manok . Patok na patok rin 'tong pulutan, lalo na kapag birthday ang celebration. Madalas pa nga, imbes na alak eh ganito na ang inereregalo. Medyo mahal, kaya inuunti unti sa inuman. Sulit na rin.
* papaitan . Uy masarap 'to. Alak + Cholesterol rich pulutan= Goodbye World.
* mangga . Kapag biglaan lang ang session at walang budget, eto ang sagot jan. Magnanakaw ka lang ng mangga sa puno ng kapitbahay nyo at bumili ng limampisong bagoong kay Aling Puring , solb na problema.
* boy bawang. Kung ayaw mong habulin ka ng itak ng kapitbahay nyo dahil ninakaw mo ang mangga nila, mag tig pipisong kornik na lang kayo.
* kropek . Kung nangangawit naman na ang panga mo kangunguya ng boy bawang, kropek ang solusyon jan. Malambot na, malutong pa.
* chicharong bulaklak . Ayaw mo na ng kropek dahil nabobored ka sa lasa. Kaya chicharong bulaklak na lang, may kakaibang twist na chicharon 'to unlike kropek. Note: Hindi bulaklak ng ilang-ilang ang tinutukoy dito.
* inihaw na tilapia . The best 'to kung sa resort o beach ang inuman. Mas masya kung ikaw ang taga ihaw. Para hindi pa man nag iinuman, nakarami ka na ng pulutan.
at ang all time famous pulutan in any accassions, o kung anu man ang reason ng inuman. tentenenenennnnnnnnnnn!!!!! tokwa't baboy the best 'to. Inuman na!
No comments:
Post a Comment