Monday, March 30, 2009

Kilala mo ba ang sarili mo?

Ako? simpleng tao lang (simple nga ba?). Gaya ng ibang teenager, mahilig akong sumubok ng mga bagay na bago sa paningin ko. Yun bang magiging "in" ka pag ginawa mo. Hindi naman ako mahirap pakisamahan. As a matter of fact friendly talaga ko at approachable sa mga taong karapat dapat pansinin. Hahaha. Minsan, madalas pala e suplada ako. Lalo na pag 'di ko type yung attitude ng tao. Marami din nagsasabi na mataray ako. San naman nila napulot yung idea na yun, e lahat lang naman ng babangga sakin e nakakatikim ng salita. Ang bait ko nga e. Hahaha again. Pero seriously, ako yung tao na very expressive. Yung kapag may dinaramdam, mahahalata mo agad. Magaling din ako mag hide ng feelings pero madalas pinapakita ko na lang talaga kung ano yung tunay kong nararamdaman. Share ko lang sainyo yung sinulat ko dati, walang date e pero nakita ko lang kanina na nakasulat sa mga lumang notebooks ko nung highschool. Siguro nagse-senti ako nung mga panahon na naisulat ko 'to.

"I'm scared of doing things imperfectly. Not because of what people may think about me, butbecause of what I could think about myself. Sometimes, I really don't know what kind of girl I'am. People often misunderstand me. And i do misunderstand myself too. My greatest fear is to be cheated by someone. I'm tired of being involved on complicated situations. I'm confused about what I really want to be, scared of trying new things and just see myself fail after that. I know that it's better to be trying than to do nothing at all. But i don't know, because me myself is my contradiction. Whenever I start deciding for certain things, there's just something in me that disapproves. And it just makes me confused, and probably ending up with nothing. I never thought that teenage life would be this hard. I miss being just a kid. I miss having no responsibilities. I wish i could turn back time, those times that with just one lollipop i'd be able to stop myself from crying. Because now, even a dozen of lollipops won't do so. 'Cause now when we got hurt, the pains lingers on our minds. It stays in our memory."

at jan nag tatapos ang aking maikling seremonya. Ewan ko nga ba kung ano ang naiisip ko nung mga panahon na yan. Parang broken hearted yata ako jan. Hahaha. Ang tao nga naman 'no? Parang mas madali para sa atin na sa sulat ibuhos yung mga tinatago nating damdamin. Siguro dahil takot tayo sa pwedeng sabihin satin ng kung sinu man na pag sabihan natin ng mga ito. Hindi nga naman sasagot yung papel o ballpen at pagsasabihan ka ng "ang tanga tanga mo naman kasi". Lalong hindi ka mahihiya o matatakot sa sarili mo na aminin kung ano yung totoo mong nararmdaman.

Sunday, March 29, 2009

CLIMATE CHANGE; May paki ka ba?


Bluish colored areas- COLD
Reddish/Yellowish colored areas- HOT


Nakakatakot, Tignan mo na lang ang kaibahan ng temperatura ng mundo natin noon sa mundo natin ngayon. May paki ka ba? o hihintayin mo na lang yung mga susunod na mangyayari?. Ano nga ba ang climate change? sabi ng Wikipedia Climate change is any long-term significant change in the expected patterns of average weather of a specific region (or, more relevantly to contemporary socio-political concerns, of the Earth as a whole) over an appropriately significant period of time. Climate change reflects abnormal variations to the expected climate within the Earth's atmosphere and subsequent effects on other parts of the Earth, such as in the ice caps over durations ranging from decades to millions of years. In short, ito na nga ang pag iiba ng panahon. Tama! Hindi mo ba napapansin ang pambihirang init ng panahon ngayon? Pati na rin ang pag-ulan during the summer. Dati healthy pa ang magpa-araw during 7-10 a.m in the morning. Pero ngayon goodluck na lang kung 'di ka pa sunog nun. Hindi na rin imposible kung tuluyan ng matunaw ang mga yelo sa north at south pole dahil sa climate change na ito. At kapag nangyari yun, goodbye na sa ating lahat. Kaya wag kang matutuwa kung biglang umulan ng yelo sa Pilipinas. May paki ka ba? Kung meron dapat sundin mo 'to:


Ten Basic Tips To Help Stop Climate Change

earth911.com

Don’t have a lot of time, but want to take action? Here are ten, simple, everyday things each of us can do to help stop climate change. Pick one, some, or all. Every little effort helps and adds up to a whole lot of good.

Change a light. Replacing a regular light bulb with a compact fluorescent one saves 150 pounds of carbon dioxide each year.*

Drive less. Walk, bike, carpool, take mass transit, and/or trip chain. All of these things can help reduce gas consumption and one pound of carbon dioxide for each mile you do not drive.

Recycle more and buy recycled. Save up to 2,400 pounds of carbon dioxide each year just by recycling half of your household waste. By recycling and buying products with recycled content you also save energy, resources and landfill space!

Check your tires. Properly inflated tires mean good gas mileage. For each gallon of gas saved, 20 pounds of carbon dioxide are also never produced.

Use less hot water. It takes a lot of energy to heat water. Reducing the amount used means big savings in not only your energy bills, but also in carbon dioxide emissions. Using cold water for your wash saves 500 pounds of carbon dioxide a year, and using a low flow showerhead reduces 350 pounds of carbon dioxide. Make the most of your hot water by insulating your tank and keeping the temperature at or below 120.

Avoid products with a lot of packaging. Preventing waste from being created in the first place means that there is less energy wasted and fewer resources consumed. When you purchase products with the least amount of packaging, not only do you save money, but you also help the environment! Reducing your garbage by 10% reduces carbon dioxide emissions by 1,200 pounds.

Adjust your thermostat. Keeping your thermostat at 68 degrees in winter and 78 degrees in summer not only helps with your energy bills, but it can reduce carbon dioxide emissions as well. No matter where you set your dial, two degrees cooler in the winter or warmer in the summer can mean a reduction of 2,000 pounds of carbon dioxide a year.

Plant a tree. A single tree can absorb one ton of carbon dioxide over its lifetime.

Turn off electronic devices when not in use. Simply turning off your TV, VCR, computer and other electronic devices can save each household thousand of pounds of carbon dioxide each year.

Stay informed. Use the Earth 911 Web site to help stay informed about environmental issues, and share your knowledge with others. Together, we can and do Make Every Day Earth Day!



SAVE THE EARTH! PREVENT GLOBAL WARMING MGA KAKOSA!

Friday, March 6, 2009

Nanay na si Nene

Tila nga nauuso na ngaun ang early preagnancy. Pero bakit? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na talagang mahirap na ang buhay ngaun kesa dati. But still, some teenagers seems to be in a hurry to make a family. Ang sarap naman sana maging teenager lang. Aral, baon, gala, pa-boyfiend boyfriend. Pero bakit kaya meron paring ilan, na mas malakas yata ang trip to the point na gusto na nilang palakihin yung tyan nila na parang bola. Well anyway, wala naman tayo magagawa sa ganon. Sabi nga nila, kanya-kanyang trip lang yan. Pero pwede naman na, hindi sinasadya yung pagkakabuo kay baby. Kulang lang ba ang kaalaman natin about sex education? O sadyang ayaw lang itong i-apply in real life situations?
Naalala ko tuloy yung isang kakilala ko na sabihin na nating dumaan na sa mga ganyang sitwasyon.

me: bakit 'di siya gumamit ng condom?
her: tanong ko sayo, mas gugustuhin mo bang kumain ng kending may balat kesa wala?
me: ?!?!?!?!?
her: hahaha!

Green pero it really makes sense diba? Siguro nga masyado nila na-eenjoy ang cloud 9 kaya 'di na nila namalayan na they're beyond the limit, not knowing what the consequeces would be. Sabi nga ni Papa sakin lagi kapag pumapalpak ako for some reasons in some situations "Bago ka mag desisyon at gumawa ng isang bagay, pag isipan mo muna ng isandaang beses." Totoo naman. Tama ngang hindi sapat na isang beses mo lang pas iisipan yung isang bagay o desisyon. Madalas, yung inaakala mong tama eh mali pala. At eto pa yung isa sa mga words of wisdom niya "Wlang nagsisisi sa una, laging nasa huli ang pagsisisi". Tama ulit, kaya mas mabuting wag ka na gumawa ng mali at all kesa pagsisihan mo lang s bandang huli. Taking the risk is sometimes too scary. Hindi naman dun nasusukat ang pag-mamahal. O kung sadyang hindi na mapigil, eh gumamit na lang ng contraseptives. Minsan mag iisip muna tayo bago sumige ng sumige. Dahil pag nandyan na, wala ka ng magagawa kundi pangatawanan na lang. Papasukin sa kaliwang tenga at palabasin sa kanan yung mga maririnig mong discrimination sayo. Malas mo pa kung maraming chismosa sa barrio niyo, dahil for sure ikaw ang magiging topic for the whole month o hanggang sa manganak ka. Hindi rin maiiwasan na damay rin pati yung baby mo. Ang masakit pa, nabuntis ka na nga eh iniwan ka pa ng naka-jontis sayo. Bato na lang siguro puso mo kung hindi mo yun pag-sisisihan kahit kaunti lalo na kung wala na nga kayong makain sa bahay eh nagdagdag ka pa ng isa pang pakainin. Pero ok na yun, kesa naman pina-abort mo yung baby. Nagkaroon ka na nga ng kasalanan, eh papatungan mo pa ng isa pang mabigat na kasalanan. Baka buhay ka pa eh sinusunog na sa impyerno yung kaluluwa mo. Buttom line is, wag kang gagawa ng isang bagay na hindi mo kayang panindigan. Naniwala ka sa sinabi ng bolero mong boyfriend na ibigay mo lang sakanya, eh pananagutan niya kung sakaling majontis ka. Nagdilang demonyo naman dahil nabuntis ka nga, dun mo lang nalaman na magaling pala sa hide and seek ang jowa mo. Hindi naman siguro nagkukulang sa payo at pagpapangaral ang parents natin. Ito lang yan eh, WALANG HINANGAD ANG MAGULANG NA MASAMA PARA SA ANAK. Kaya never mong sasabihin na ayaw ka lang nila maging masaya. Wag mong iisipin na lagi na lang sila ang nasusunod. Dahil ng totoo niyan eh, sila talaga ang nakaka-alam kung ano yung tama para sa atin. Nakagawa ka man ng pagkaka-mali gaya ng pagkaka-buntis sayo, magalit man sila dahil sa ginawa mo eh siguradong hinding hindi ka nila kayang hayaan na ganon na lang. Sa kanila ka parin tatakbo. At sila pa rin ang laging nandyan para sayo.

BE BEAUTIFUL FROM HEAD TO FOOT, INSIDE AND OUT. (Part two "the face")

Instructions

Difficulty: Easy

Things You’ll Need:

  • Clean washcloth
  • Hot water
  • Cold water
  • Vitamin E oil (not cream)
  • Cotton balls
Step1
Make these steps an everyday part of your life. Do not say that there is no time, since it will only take 10 minutes of your day to accomplish having a great face.


Step2
Try not to wear face powder or concealer, all this does is clog your pours and leads to pimples forming. Using these products also makes your skin look a lot older than what it should after years of use. If you don't need it, then don't use it.


Step3
Grab your clean washcloth and soak it with hot water, the hotter the water the better. Once you have soaked the washcloth, place it on your face covering it entirely. Let it sit there for three to four minutes or until the heat has gone from the washcloth.


Step4
Rinse the washcloth and soak it with cold to ice cold water. Ring it out and place washcloth on your face once again covering it completely. Let it sit there for another three to four minutes and remove.


Step5
Soak the cotton ball with Vitamin E oil, be sure to squeeze any excess off first. Rub around your face being sure to get in every crack and crevice. Rub the cotton ball on your face until the oil has completely soaked into your face.


Step6
Repeat these steps once a day. The best time to perform this daily ritual is right before you go to bed. You will see results within a week or two

courtesy of eHow.com

Thursday, March 5, 2009

Kwentong Jeep

Sa loob ng isang jeep parang pelikula yan, maraming klase ng tao at personalities ang mae-encounter mo. Iba-iba rin yung makikita mong ginagawa nila. Minsan nakakainis, pero madalas nakakatuwa. Tulad nalang ng mga 'to.

Scene # 1. I'm the king of the World.
Sila yung mga pasahero na nakatodo open yung bintana, feel na feel niya habang hinahangin yung buhok niya. Hindi niya alam, lumipat na lahat ng kuto at lisa niya sa katabi niya. Kulang na lang ang mag slow-mo saglit ang mundo habang tumutugtog ang Skyline Pigeon Fly sa radyo ng jeep ni manong.

Scene # 2. Dalagang Pilipina.
Eto naman yung mga kung umupo ay naka-paside ng todo. Yung tipong parang sisilipan siya ng lahat ng pasahero ng jeep, habang yung katabi niya pala eh kalahati na lang ng pwet ang sumasayad sa upuan. Tipong pag pumreno si Manong driver eh mapupunta na sa front seat.

Scene # 3. Sleeping Beauty.
Malas mo kung makatabi mo yung mga pasaherong katulad nito. Sila yung mga tipong naka-hawak yung isang kamay sa hawakan ng jeep, tapos maya-maya lang biglang malalaglag. Chamba pa kung magkaumpugan ulo nyo.

Scene # 4. Lean on Me.
Gaya sa scene # 4, mahilig rin matulog ang pasahero na ito. Ang pagkakaiba lang nila, choosy ngaun ang pasahero dahil gusto niya pang umunan sa balikat mo. Ok lang sana kung cute, baka ikaw pa mismo yung sumalo sa ulo niya gamit yung shoulder mo kapag nalalaglag na yung ulo niya.

Scene # 5. Stop! in the name of Love.
Nakakainis yung mga ganitong scene. Eto yung tipong lumabas na vocal chords mo kakasabi ng "para" pero wa epek at parang walang narinig si manong driver. At sa sobrang pagka-bingi niya ay kakailanganin mo na ulit sumakay ng jeep papunta sa dapat mong binabaan. At kung mamalasin ka, magagalit pa sayo si manong at sasabihing "hindi ako bingi, tinatabi ko lang yung jeep". Kamusta naman yon?!

Scene # 6. I Started a Joke.
Isa sa mga nakakatawang scene sa loob ng jeep. Nang gagalaiting sinasabi ng pasahero na "bayad ho, bayad ho, byad ho!, bayad hooooo!" with matching katok pa sa bubong ng jeep. Matataranta naman yung katabi niya dahil wala naman siyang inaabot na bayad. At si manong driver naman ay halos mag ala-lastik man narin na inaabot yung kamay niya sa nagbabayad "daw" na mama. Then marerealize na lang bigla nung mama na "para pala". Ano yun? joke?

Scene # 7. Love Birds.
Favorite ko, haha! Sila yung mga akala mo eh nakaupo sa luneta o sabi ng bay walk. Pero nakakatuwa naman silang tignan. Nakakabitin nga lang yung mga eksena lalo na kung mauuna kang bumaba kesa sakanila.

Scene # 8. Let's get Loud.
Malas mo pag may nakasabay ka sa jeep na magbabarkada na akala mo lunch break sa canteen kung mag kwentuhan with matching appear pa habang nagtatawanan sila. Sila yung mga akala mo nasa loob ng ktv booth na para bang walang nakakarinig sa ingay nila kundi sila. Pero nakakatuwa rin sila kahit pano. Minsan nga parang gusto ko rin sumabat sa pinag-uusapan nila lalo na pag nakaka-relate o may opinyon ako. Minsan nga natatawa rin ako sa kwentuhan nila, pero syempre tinatakpan ko na lang kunwari ng panyo yung bibig ko para 'di halata.

Scene # 9. I can't hear You.
Masarap sapakin yung mga ganitong pasahero lalo na't katabi mo. Sila yung pagkatapos magbayad eh magtutulug-tulugan para hindi na maabutan ng bayad ng iba. Yung tipong kahit itapat mo sa tenga niya yung bibig mo habang sinasabing "bayad daw" ay wala siyang naririnig.

Scene # 10. Pagod na pagod na ako.
Maraming beses na 'ko nalagay sa ganitong kalagayan, yung maupo ka sa dulo malapit sa driver. Syempre asahan mong lahat ng bayad nila, dadaan sayo. Minsan meron pang magagalit dahil ang tagal mong abutin yung bayad niya as if naman na may komisyon ka sa kikitain ni maning driver. Malas mo pa kung hindi uso kay manong driver ang deodorant. At tipong pag iaabot mo sa kanya ang bayad eh may kasamang haplos pa sa kamay mo bago kunin. Wala ka magagawa kundi umurong na lang palayo kapag medyo maluwag na.


Pero sa hinaba-haba man ng byahe at sa dami ng pangyayaring na-encounter mo, it's really a relief when you already reached your destination.

P.S.

Sa sobrang pagka-enjoy mo sa mga scene na nakita mo, nakalimutan mo na palang magbayad.
Haha! quits na.

All Time Favorite Pulutan ng Pinoy

, musAng mga Pinoy nga naman, makainom lang ok na kahit ano ang pulutan. Ang importante, kumpleto ang tropa. Kwentuhan lang solve na. Pero ano nga ba ang mga paboritong pulutanin ng mga manginginom na Pinoy? ito ay ang mga sumusunod:

* sizzling sisig na karaniwang sine-serve pa ng nasa sizzling plate para mas sosyal. Ok 'tong pulutan. Dahil maanghang at mainit (sizzling nga eh) kaya hindi madaling maubos. Kapal nalang ng dila mo kung susunggaban mo yun habang tumatalsik talsik pa sa sizzling plate.

* lechong manok . Patok na patok rin 'tong pulutan, lalo na kapag birthday ang celebration. Madalas pa nga, imbes na alak eh ganito na ang inereregalo. Medyo mahal, kaya inuunti unti sa inuman. Sulit na rin.

* papaitan . Uy masarap 'to. Alak + Cholesterol rich pulutan= Goodbye World.

* mangga . Kapag biglaan lang ang session at walang budget, eto ang sagot jan. Magnanakaw ka lang ng mangga sa puno ng kapitbahay nyo at bumili ng limampisong bagoong kay Aling Puring , solb na problema.

* boy bawang. Kung ayaw mong habulin ka ng itak ng kapitbahay nyo dahil ninakaw mo ang mangga nila, mag tig pipisong kornik na lang kayo.

* kropek . Kung nangangawit naman na ang panga mo kangunguya ng boy bawang, kropek ang solusyon jan. Malambot na, malutong pa.

* chicharong bulaklak . Ayaw mo na ng kropek dahil nabobored ka sa lasa. Kaya chicharong bulaklak na lang, may kakaibang twist na chicharon 'to unlike kropek. Note: Hindi bulaklak ng ilang-ilang ang tinutukoy dito.

* inihaw na tilapia . The best 'to kung sa resort o beach ang inuman. Mas masya kung ikaw ang taga ihaw. Para hindi pa man nag iinuman, nakarami ka na ng pulutan.

at ang all time famous pulutan in any accassions, o kung anu man ang reason ng inuman. tentenenenennnnnnnnnnn!!!!! tokwa't baboy the best 'to. Inuman na!

mga kalokohang pinoy ( sana maiba na ang kulturang pelikulang pinoy )

marami ka ng paboritong pelikula.

marami ka ng inulit-ulit.

pero alam mo ba ang paghihirap na ginugugol ng
mga prodyuser sa paggawa ng mga pelikulang ito ??

halikayo at samahan nyo ako na ungkatin ang
mga kalokohang pinoy pagdating sa paggawa ng pelikula
na hindi mawari kung sinasadya o tanga lang tlaga sila
sa mga konseptong pelikula ..

>kapag buntis ang asawa, madalas pagdating sa kalagitnaan ng pelikula ee duduguin ito o kaya naman ay bigla itong iiyak at sasabihing " aray!!! ahhh!!! manganganak na ata ako !!! "

>kahit comedy, may action pa din sa plot ng pelikula

>hindi nawawalan ng leading lady kahit pangit ang bida..

>laging may sindikato na kaaway o kalaban ang bida.

>involve ang shabu o pera sa awayan..

>kahit super suntikan, habulan o barilan, hindi man lang pinagpapawisan ang magkaaway.

>pati leading lady marunong bumaril..

>hindi nawawalan ng mga line ang bida at kontrabida lalo na ang mga katagang :
" sumuko ka na !!!" o kya naman ay " uubusin ko ang bala ko sa katawan mo !! "

>kahit maraming problema, may love scene pa rin .

>laging may song and dance number ang bida kahit action star pa sya..

>usually ang kontrabida ay sila paquito diaz, romy diaz, ricky davao at matt ranillo III.

>hindi nawawalan ng kissing scene ang bida kahit nsa gitna sila ng matinding bakbakan at sasabihin sa isa’t isa : " mahal kita, kaya anu man ang mangyari tayo pa rin .. "

>ang bida kahit ubos na ang bala, hindi pa din patay ang kalaban at sugod pa din ng sugod..

>laging namumulot ng baril ang bida kapag ubos na ang bala nya.

>si FPJ, sobrang pawis na pawis kahit naglalakad lang.

> pagkatapos umiyak ng leading lady dahil nabaril ang bida, tsaka lamang ito dadalhin sa ospital.

>kahit huli na ng dalhin sa ospital, marerevive at marerevive pa rin ng doktor ang bida.

>kapag tapos na ang pelikula lalo na ang comedy, biglang magsisitalunan ang mga cast at hihinto ang film.

>kahit hindi marunong manligaw, sasagutin ng babae ang bida lalo na kapag probinsya ang set.

>kahit tumakas ang bida at babae ng pagkalayu-layo ay masusundan pa rin sila ng mga kaaway.

>laging may scene na nag-iinuman at biglang babastusin ang leading lady at ipagtatanggol at gugulpihin ang mga sunog-baga.

>kapag nagkaharap ang magkaaway ay magkakatutukan sila ng baril at parehong walang bala, bigla bgila itong mauuwi sa suntukan.

>kapag nanliligaw ang bida, pupunta ito sa bahay ng babae kahit hindi ipinakita na alam ng bida ang address nito sa mga naunang scene.

>kapag comedy, magkaribal ang bida at kontrebida sa iisang babae.

>usually, hindi nawawala ang sidekick ng bida sa comedy.

>kahit matanda na ang bida, may leading lady a rin.

>kapag nagkamali ang bataan ng sindikato, babatukan ito o kya ay pagsasabihan ng masasamang salita.

>sa comedy, kapag mga babae o sidekick lang, kahit dos por dos ay makapapatay sila ng kalaban.

>laging may dalawang lasing na nag-iinuman kaya lagi silang natatakasan ng hostage o biktima nila.

>kapag may atraso ang bida, gagawing hostage ang pamilya nya.

>hindi nawawala yung pagkaduling o harlequin style na pagkamatay ng mga sindikato.

>ang madalas na title ng mga action ay barumbado tulad ng " sayo ang tondo, akin ang cavite" , " marami ka pang kakaining bigas"

>kapag comedy naman ay madalas na pangalan din ng bida tulad ng " buddy en sol" , " pido dida" , " elvis and presley"

>laging may scene na hinahabol ng mga pulis na naka-mobile ang tumatakbong bida at matatakasan pa rin sila nito.

>sa comedy, usong uso ang mga jukebox o novelty songs para theme songs.

>sa mgafantasy, hindi nawawala ang scene sa ibang planeta.

> ang mga magic e corny ang pagkagawa o makulay lang.

>sa mga superhero, hindi nawawala ang paglipad.

>hindi alam ng babae na hero pala ang leading man nya kahit retaso lang ang maskara nito.

>laging may isang bagay na involve para amging superhero ang bida tulad ng bato , barbell.

>si cesar montano kahit patalikod bumaril e mnakakapatay pa rin .

>nausong gawaan ng " the movie" ang mga youth oriented tulad ng G-MICK at T.G.I.S.

>ang seiko films e expertise ang paggawa ng bold movies..

>usually ang bold dati ay pinapangalan sa maselang bahagi ng katawan na itinatago sa mga pangalan ng pagkain tulad ng "itlog", "patikim ng piƱa" at "talong"

>kapag may love o bed scene na biglang nagfe-fade ang screen at mapupunta sa ibang set.

>kapag nagpa-punchline ang side kick ng bida, macocornihan ang mga kasama at may expression na "ACHECHE!!!"

>sasabihin ng kontrabida na maghihiganti siya sa bida kahit na wala pang ginagawang masama ang bida.

>laging contradict ang mga sidekick tulad nila panchito, babalu at rene requestas.

>kapag mali ang suggestion ng sidekick e hahampasin siya ng diyaryo sa ulo.


coutesy of http://chika-minute.blog.friendster.com/2007/09/mga-kalokohang-pinoy-sana-maiba-na-ang-kulturang-pelikulang-pinoy/

Mga Reasonable reasons kung bakit nagb-Blog.

Bakit nga ba usong uso ngaun ang blogging? Yung iba, talagang hilig lang. Yung iba naman, nakikiuso lang. Ano nga ba ang posibleng dahilan ng mga bloggers, para mag blog?

reason # 1, Libangan.
Pwede naman talagang malibang sa pagb-Blog. Maliban na nga lang kung talagang kusang lumalabas yung mga idea na pinopost mo at hindi piniga lang sa utak mo. Pero kung talagang you belong to the blogger's world, eh talagang malilibang ka. Nakakasawa rin naman kasi mag text, lalo na kung wala namang sense yung mga tinetext sau. Nakakasawa rin naman makipag-chismisan sa tindahan. At mas nakakasawang tumanga na lang.


reason # 2, Raket.
Marami akong nababalitaan na talagang ginagawang raket ang pag blog. O diba? nalibang ka na, kumita ka pa. Kesa nga naman maging drug pusher o hired killer ka, eh mag blog ka na lang.


reason # 3, Stress Remover.
Actually, reason ko rin yan bukod sa hilig ko. Subok na stress remover ko ang pagb-blog. Kesa makipag-usap ka sa mga taong walang kwentang kausap eh sa blog mo na lang ibuhos lahat ng sama ng loob mo sa mundo. Wala mang actual na sasagot sayo, eh at least you've let it out. Mas magb=blog na 'ko kesa makipag-usap sa pader.


reason # 4, Para sa social interaction.
Kung para kang makahiya na tumitikom pag nahahawakan ng ibang tao for some reasons , eh bagay kang blogger. You get to interact with other people ng hindi ka nila nakikita face to face. So wala ka ng dapat ipangamba.


at reason # 5, You Belong.
Dahil talagang feel na feel mong mag blog, at wala kang kahirap hirap sa pag iisip ng mga bagong topic o anu man na ipopost mo.


Kahit sino naman pwedeng mag Blog, basta wide ang imaginations mo to tackle new things about you and life in general. Maraming pwedeng sabihin, hindi ka mauubusan.

Wednesday, March 4, 2009

Man's Bestfriend


Strayed dogs, that's how you call those dogs in the picture. 'Di ko alam kung pano nasisikmura ng mga taong gumagawa nyan ang pag alipusta sa mga aso. Ako kasi, makakita lang ako ng asong pagala gala sa kalsada naaawa na 'ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit natitiis ng may ari ng aso na yun na pagala gala yung alaga nya. At bakit pa sya nag alaga ng aso kung hindi naman nya aalagaan. Masakit isipin na tinuringan silang mga kaibigan natin, yet karamihan satin ay kabaligtaran naman ang trato sakanila. Isipin mo na lang, tapat na nagbabantay ng bahay mo yung aso, tapos hindi mo man lang sya bigyan ng reward man lang ba. Pag sinabi namang reward, hindi naman kailangan na mamahalin eh. Ano ba naman yung paliguan mo siya kahit twice a week lang, himasin yung ulo nya, pakainin ng regular. Kahit naman aso yan, meron parin yang damdamin. Isa pa kailangan din nila ng pag mamahal at pag aaruga. Gaya ko. I'm a proud to be pet lover. Kahit sabihin mo na askal lang naman yung aso namin. Askal pero special namin tinuturing. At wala kang makikitang kahit isang garapata sakanila. Araw araw nga sila halos pinapaliguan eh, at may sarili silang dog soap. Kahit minsan 'di inisip ni Papa na patayin sila at gawing pulutan. Never!. Pamilya na namin sila. Sana lahat ng may alagang aso pamilya ang turing sa mga alaga nila. Ikaw kaya mo bang makita ang aso mo na gaya ng kalagayan ng mga aso sa picture?. Love your pets.

BE BEAUTIFUL FROM HEAD TO FOOT, INSIDE AND OUT. (Part one "the hair")

Para maiba, para sainyo. Nag research ako ng kung anu-ano. Well actually, ginawa ko 'to dahil alam kong marami ang gustong maging maganda. Kahit sino naman diba? Sino ba yung may ayaw na sa twing lalabas ka ng bahay nyo eh magtitinginan sa'yo lahat ng boys sa lugar nyo, at ikaw ang pinaka kinaiinsecure-an ng lahat ng assuming na babae na kapit bahay nyo. Haha.
Umpisahan natin sa ulo, pababa.

Buhok, alam naman natin na maraming nag hahangad ngaun ng magandang buhok. Yung tipong pang shampoo commercial. Kaya nga usong uso ngaun ang hair rebonding. Pero alam nyo ba, na pwede rin masira buhok nyo sa rebonding? Kaya eto, tips on making your hair beautiful the natural way! At take note, pwede nyo gawin sa bahay nyo. Ayos.

Main cause of an Unhealthy Hair:

Isa pala sa mga cause ng unhealthy hair ay ang pag consume ng unhealty foods like junk foods, yung mga pagkain na niluto sa adulterated oil o yung mga oil na impure at mababa ang standards. Isa pang cause ang excess consumption ng caffeine o kape, alchohol o yung mga alak. Nagiging cause din ng unhealthy hair ang stess, pin, depression, sorrow t pati na rin yung mga side effects ng ibang gamot.
So instead of eating junk foods, ang kailangan pala nating kainin ay mga green vegetables, fruits, sprouts, honey, cereals, milk products, and no-cholesterol rich foods. Mainam rin pala na kumain ng fish, soy beans at raw vegetable salad.


Oily Hair?

Ang cause pala nyan, ay ng sobrang dirt o dumi na nattrap sa ating hair follicles. Lemon juice prevents dundruff, ang dundruff ay isa sa cause ng oily hair so, apply lemon juice on your hair for 10-15 minutes. Pagkatapos saka mo lang sya babanlawan. Ganon lang kadali. Gawin mu yon once a week. Para goodbye oily hair ka na.

Dry Hair?

Actually marami akong nakita na home remedies para sa dry hair, pero syempre pinili ko na yung pinaka kaya nating gawin.
Apply a paste of egg yolk o yung pula ng itlog at tubig sa buhok mo. Keep it for 10-15 minutes bago mo sya banlawan ng malinis at malamig na tubig. Isa pa palang tip para gumanda ang hair mo ay yung simpleng pagmasahe sa scalp mo habang naliligo ka.

Dos and Don'ts

*Never apply chemical-based bleach, avoid using hair curler, hair dryers, chemical-based hair gels, and coloring hair using hair colors as they contain ammonia. As these things dries your hair and your hairs look lifeless and hard. Maintain a natural hair care routine

*Regular cleaning of hair is required. Set a good routine for hair care.

*Drink lots of water as water is good for health and hair.

*Regular trimming of hair will prevent split ends.

*Do not use chemical-based shampoo excessively as it takes away the natural shine.

*Healthy hairs are not hard to get but it requires your care and understanding.


Oo nga naman, kailangan din nating intindihin ang sarili nating buhok. Wag nating abusuhin, baka dumating yung time na kahit ayaw natin eh kailangan na nilang mag say goodbye sayo. Please look forward for my next posts. This whole March i'll be posting all about stuff like this. Goodluck!