Showing posts with label Advice. Show all posts
Showing posts with label Advice. Show all posts

Wednesday, November 18, 2009

A BIG Revelation.


I realized na mali pala magsalita ng tapos. I remember my post entitled "Nanay Na Si Nene". Guess what. Ako na ngayon si Nene. Yep, you read it right. I'm 3 months pregnant with my 1st baby now. Shocking nga. Nabasa ko nga yung post ko at tinamaan ako ng bonggang bongga! Well anyway, wala ako pinagsisihan. Although madaming nagtaka, nagulat at nanghinayang. I'm OK, we're OK. Masaya ako, masaya kami ng Ama ng magiging anak ko. We had no regrets pagdating sa pagkakabuo sa bata. With regards to our parents, ayon both sides were shocked. But they had nothing to do about it na. Besides, my baby is gonna be their first Apo. Big Revelation nga ito. Lalo na sa mga friends ko. Pero full support sila sobra. As in whenever they had a chance to visit me, gora sila! Excited pa nga ata kesa sakin. Same with my family, and my husband-to-be's family. Full support, although my parents was kinda disappointed. Pero now tanggap na nila. Taong-bahay na ako ngayon. Almost 2 months na yata akong out of school. For the sake of my baby narin, kasi uwian ako everyday. 1 hour, minsan 1 1/2 hours ang byahe sa jeep. Too risky for my pregnancy. Pero I'll be going back to school mga 2 years after siguro. And yes! Everything will go back to normal again. Actually, normal parin naman ngayon. Except nga na 'di na ko pumapasok, AT sa mga strange feelings ko during my pregnancy. Mahirap specially that I'm on my 1st trimester. As in mahirap na masaya. Masaya! Dahil last Nov. 7 I had my first check-up and that was also the first time that I heard my baby's heartbeat! That moment talaga I felt the feeling of being a Mom na. I was so happy to the point na halos maiyak ka na habang naririnig mo yung sound ng heartbeat niya. Lahat ng hirap na nararanasan mo, parang OK na lang dahil alam mong it's worth it. Who cares kung ano man ang sabihin ng iba. All I care about is my baby. Two months to go then malalaman na kung he or she ba si baby. Hehe. Now that's more exciting. You know guys, it's hard to tell pala kung ano mangyayari sayo, not until nangyari na. I learned that it's wrong to put an assurance in everything you think and plan about yourself. Mali na magsalita ng tapos. Dahil ang totoo nyan, you'll never know what the future will bring you. You'll never know what's really planned for you. But then again, life must go on . And always remember that Failure will never overtake you if your determination to succeed is strong enough.






Thursday, April 2, 2009

How to get Over on a Past Relationship?


Sabi nila past is past. Sabi lang nila yun. Sinong abnormal ba ang nakakamove-on ng overnight lang? Para sakin mahirap makalimot. In my own experience kasi (ayan na!) uhm, mahirap talaga. Lalo na kapag the two of you had a really good relationship with each other. At mas lalo na, if both of you had been through a long-term-relationship. On the first two days ng break-up nyo, nagagawa mo pang mag matigas at mag panggap na ok ka kahit ang totoo e gusto mo ng mag-suicide dahil sa nangyari. Paano nga ba at ano ang mga dapat at 'di dapat gawin para makamove-on?


~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~


First of all, wag mo na siyang isipin. Oo mahirap pero try not to think of that person anymore. Go out with your friends. Mag libang ka at gawin mo yung mga bagay na sa tingin mo ay makakalimutan mo yung nangyari sayo. Stay involved with the other people in your life. Marami sila na handang dumamay sayo. Pag aralan mo ng tanggapin yung katotohanan na your relationship has ended.

Alisin mo na lahat ng contacts mo sa kanya. Minsan nate-tempt tayo na makipag-usap sa kanila. At kapag ginawa mo pa yun, lalo ka lang mahihirapan. Imbes na pag-aralan mo ng wala siya, sinasaktan mo pa lalo yung sarili mo sa pakikipag-communicate sa kanya. Dahil useless narin naman yung magiging paguusap niyo. It has nothing to do with your self and for you to move-on.

Piliin mo yung type of music na papakinggan mo. Its ok na makinig sa music just make sure na hindi senti. AT make sure na hindi ito nakakapagpa-alala sa masakit na pinagdadaanan mo. Music is powerful in manipulating our emotions. Kaya kung makikinig ka sa music, make sure na kanta yan ni Willie Revillame o kaya ni Vhong Navarro para masaya.

Start dating again! Not immediatetly but be open to it aba aba 'di pa katapusan ng mundo. Single ka so why not dba? Hindi masama na kumilala ng mga bagong tao sa buhay mo. Wag kang mag mukmok. Dapat nga mas madami kang mapatunayan sakanya at sa sarili mo pagkatapos ng nangyari. 'Di mo alam kung kelan ka ulit mag mamahal. At wag mong pipigilan yung sarili mo na magmahal ulit

Focus on yourself. Hindi porket nag hiwalay kayo ay hindi ka naging mabuting partner. Meron lang talagang mga bagay na mas makakabuti kung ititigil na lang, kaysa ipilit. Dahil malay mo, talagang may ibang tao na mas laan para sayo.



~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~


P.S


Opinyon ko lang ang mga yan. Nasa sainyo parin kung anong paraan ang mas madali at sa tingin niyo ay mas makakabuti sa inyo. Happy Healing! :)




Friday, March 6, 2009

Nanay na si Nene

Tila nga nauuso na ngaun ang early preagnancy. Pero bakit? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na talagang mahirap na ang buhay ngaun kesa dati. But still, some teenagers seems to be in a hurry to make a family. Ang sarap naman sana maging teenager lang. Aral, baon, gala, pa-boyfiend boyfriend. Pero bakit kaya meron paring ilan, na mas malakas yata ang trip to the point na gusto na nilang palakihin yung tyan nila na parang bola. Well anyway, wala naman tayo magagawa sa ganon. Sabi nga nila, kanya-kanyang trip lang yan. Pero pwede naman na, hindi sinasadya yung pagkakabuo kay baby. Kulang lang ba ang kaalaman natin about sex education? O sadyang ayaw lang itong i-apply in real life situations?
Naalala ko tuloy yung isang kakilala ko na sabihin na nating dumaan na sa mga ganyang sitwasyon.

me: bakit 'di siya gumamit ng condom?
her: tanong ko sayo, mas gugustuhin mo bang kumain ng kending may balat kesa wala?
me: ?!?!?!?!?
her: hahaha!

Green pero it really makes sense diba? Siguro nga masyado nila na-eenjoy ang cloud 9 kaya 'di na nila namalayan na they're beyond the limit, not knowing what the consequeces would be. Sabi nga ni Papa sakin lagi kapag pumapalpak ako for some reasons in some situations "Bago ka mag desisyon at gumawa ng isang bagay, pag isipan mo muna ng isandaang beses." Totoo naman. Tama ngang hindi sapat na isang beses mo lang pas iisipan yung isang bagay o desisyon. Madalas, yung inaakala mong tama eh mali pala. At eto pa yung isa sa mga words of wisdom niya "Wlang nagsisisi sa una, laging nasa huli ang pagsisisi". Tama ulit, kaya mas mabuting wag ka na gumawa ng mali at all kesa pagsisihan mo lang s bandang huli. Taking the risk is sometimes too scary. Hindi naman dun nasusukat ang pag-mamahal. O kung sadyang hindi na mapigil, eh gumamit na lang ng contraseptives. Minsan mag iisip muna tayo bago sumige ng sumige. Dahil pag nandyan na, wala ka ng magagawa kundi pangatawanan na lang. Papasukin sa kaliwang tenga at palabasin sa kanan yung mga maririnig mong discrimination sayo. Malas mo pa kung maraming chismosa sa barrio niyo, dahil for sure ikaw ang magiging topic for the whole month o hanggang sa manganak ka. Hindi rin maiiwasan na damay rin pati yung baby mo. Ang masakit pa, nabuntis ka na nga eh iniwan ka pa ng naka-jontis sayo. Bato na lang siguro puso mo kung hindi mo yun pag-sisisihan kahit kaunti lalo na kung wala na nga kayong makain sa bahay eh nagdagdag ka pa ng isa pang pakainin. Pero ok na yun, kesa naman pina-abort mo yung baby. Nagkaroon ka na nga ng kasalanan, eh papatungan mo pa ng isa pang mabigat na kasalanan. Baka buhay ka pa eh sinusunog na sa impyerno yung kaluluwa mo. Buttom line is, wag kang gagawa ng isang bagay na hindi mo kayang panindigan. Naniwala ka sa sinabi ng bolero mong boyfriend na ibigay mo lang sakanya, eh pananagutan niya kung sakaling majontis ka. Nagdilang demonyo naman dahil nabuntis ka nga, dun mo lang nalaman na magaling pala sa hide and seek ang jowa mo. Hindi naman siguro nagkukulang sa payo at pagpapangaral ang parents natin. Ito lang yan eh, WALANG HINANGAD ANG MAGULANG NA MASAMA PARA SA ANAK. Kaya never mong sasabihin na ayaw ka lang nila maging masaya. Wag mong iisipin na lagi na lang sila ang nasusunod. Dahil ng totoo niyan eh, sila talaga ang nakaka-alam kung ano yung tama para sa atin. Nakagawa ka man ng pagkaka-mali gaya ng pagkaka-buntis sayo, magalit man sila dahil sa ginawa mo eh siguradong hinding hindi ka nila kayang hayaan na ganon na lang. Sa kanila ka parin tatakbo. At sila pa rin ang laging nandyan para sayo.

BE BEAUTIFUL FROM HEAD TO FOOT, INSIDE AND OUT. (Part two "the face")

Instructions

Difficulty: Easy

Things You’ll Need:

  • Clean washcloth
  • Hot water
  • Cold water
  • Vitamin E oil (not cream)
  • Cotton balls
Step1
Make these steps an everyday part of your life. Do not say that there is no time, since it will only take 10 minutes of your day to accomplish having a great face.


Step2
Try not to wear face powder or concealer, all this does is clog your pours and leads to pimples forming. Using these products also makes your skin look a lot older than what it should after years of use. If you don't need it, then don't use it.


Step3
Grab your clean washcloth and soak it with hot water, the hotter the water the better. Once you have soaked the washcloth, place it on your face covering it entirely. Let it sit there for three to four minutes or until the heat has gone from the washcloth.


Step4
Rinse the washcloth and soak it with cold to ice cold water. Ring it out and place washcloth on your face once again covering it completely. Let it sit there for another three to four minutes and remove.


Step5
Soak the cotton ball with Vitamin E oil, be sure to squeeze any excess off first. Rub around your face being sure to get in every crack and crevice. Rub the cotton ball on your face until the oil has completely soaked into your face.


Step6
Repeat these steps once a day. The best time to perform this daily ritual is right before you go to bed. You will see results within a week or two

courtesy of eHow.com

Wednesday, March 4, 2009

BE BEAUTIFUL FROM HEAD TO FOOT, INSIDE AND OUT. (Part one "the hair")

Para maiba, para sainyo. Nag research ako ng kung anu-ano. Well actually, ginawa ko 'to dahil alam kong marami ang gustong maging maganda. Kahit sino naman diba? Sino ba yung may ayaw na sa twing lalabas ka ng bahay nyo eh magtitinginan sa'yo lahat ng boys sa lugar nyo, at ikaw ang pinaka kinaiinsecure-an ng lahat ng assuming na babae na kapit bahay nyo. Haha.
Umpisahan natin sa ulo, pababa.

Buhok, alam naman natin na maraming nag hahangad ngaun ng magandang buhok. Yung tipong pang shampoo commercial. Kaya nga usong uso ngaun ang hair rebonding. Pero alam nyo ba, na pwede rin masira buhok nyo sa rebonding? Kaya eto, tips on making your hair beautiful the natural way! At take note, pwede nyo gawin sa bahay nyo. Ayos.

Main cause of an Unhealthy Hair:

Isa pala sa mga cause ng unhealthy hair ay ang pag consume ng unhealty foods like junk foods, yung mga pagkain na niluto sa adulterated oil o yung mga oil na impure at mababa ang standards. Isa pang cause ang excess consumption ng caffeine o kape, alchohol o yung mga alak. Nagiging cause din ng unhealthy hair ang stess, pin, depression, sorrow t pati na rin yung mga side effects ng ibang gamot.
So instead of eating junk foods, ang kailangan pala nating kainin ay mga green vegetables, fruits, sprouts, honey, cereals, milk products, and no-cholesterol rich foods. Mainam rin pala na kumain ng fish, soy beans at raw vegetable salad.


Oily Hair?

Ang cause pala nyan, ay ng sobrang dirt o dumi na nattrap sa ating hair follicles. Lemon juice prevents dundruff, ang dundruff ay isa sa cause ng oily hair so, apply lemon juice on your hair for 10-15 minutes. Pagkatapos saka mo lang sya babanlawan. Ganon lang kadali. Gawin mu yon once a week. Para goodbye oily hair ka na.

Dry Hair?

Actually marami akong nakita na home remedies para sa dry hair, pero syempre pinili ko na yung pinaka kaya nating gawin.
Apply a paste of egg yolk o yung pula ng itlog at tubig sa buhok mo. Keep it for 10-15 minutes bago mo sya banlawan ng malinis at malamig na tubig. Isa pa palang tip para gumanda ang hair mo ay yung simpleng pagmasahe sa scalp mo habang naliligo ka.

Dos and Don'ts

*Never apply chemical-based bleach, avoid using hair curler, hair dryers, chemical-based hair gels, and coloring hair using hair colors as they contain ammonia. As these things dries your hair and your hairs look lifeless and hard. Maintain a natural hair care routine

*Regular cleaning of hair is required. Set a good routine for hair care.

*Drink lots of water as water is good for health and hair.

*Regular trimming of hair will prevent split ends.

*Do not use chemical-based shampoo excessively as it takes away the natural shine.

*Healthy hairs are not hard to get but it requires your care and understanding.


Oo nga naman, kailangan din nating intindihin ang sarili nating buhok. Wag nating abusuhin, baka dumating yung time na kahit ayaw natin eh kailangan na nilang mag say goodbye sayo. Please look forward for my next posts. This whole March i'll be posting all about stuff like this. Goodluck!

Tuesday, February 24, 2009

Love. What a word.

Nasubukan mo na bang mag mahal ng sobra? Yung tipong alam mo na, na siya yung gusto mong makasama habang buhay. Meron ba talagang ganun? Nararamdaman ba un o hula lang?. Kung ako tatanungin, mahirap umasa sa ganon. Hindi naman nating kayang pangunahan yung panahon. Lahat pwede magbago in just a blink of an eye. Eh what if you're stuck? Stuck as in iisipin mo pa lang na mawawala siya sau eh todo emote at iyak ka na? Ang hirap diba?. Ako kasi, masasabi kong mahirap dahil i've been through that kind of situation. Situations pa nga eh, take note of the S. haha!. Pero seriously. Alam mo yung tipong mahal mo yung tao pero 'di mo naman maiwasang wag magalit sa kanya. Kahit simpleng bagay. Sabihin na nating non sense but you still get mad to that person without knowing why. Para ka lang tangang talak ng talak sa kanya kahit ikaw mismo nahihirapan isipin kung anu ung dahilan ng pagtalak mo. Oo natural may ginawa, pero is it enough para magalit ka ng ganon? Yun ba yung tinatawag na "sadista"? Sadista by words kumbaga. Kasi, 'di mo mapigilan sarili mo na magalit kahit nag explain na siya sau. Yung tipong ikaw na nga yung mali, ikaw pa may ganang magalit. Yun yung kinakalabasan ng isang relasyon na walang UNDERSTANDING. Totoo pala na kahit mahal na mahal na mahal niyo isa't isa eh it won't work without understanding. Bakit? Eh diba nga sa ganyan nagkakasakitan ang mag-asawa. Kahit mag jowa pa lang. Marami nang napapabalita ngaun na nagkakapatayan dahil jan. May kausap na iba si misis, nakita ni mister. Umuwi si misis, wala pa si mister. Umuwi si mister, lasing. Nakita si misis. Nagwala ng walang idea c misis kung bakit. Ayun! patay si misis. Ang dahilan? misunderstanding. Yung kausap pala ni misis eh yung kapitbahay nilang bakla. haha! stupid diba? You know, lahat naman madadaan sa pag uusap. Sa isang relasyon, mag asawa man kau o mag jowa kailangan ng COMMUNICATION. Dapat open kau sa isa't isa. Para alam nyo kung anu na ba dtanding nyo sa isa't isa. Mamaya masama na pala loob sau ng karelasyon mo, d mo pa alam. Dun nag uumpisa yung "falling out of love". Wala kang kaalam alam, nababawasan na pala pag mamahal sau ng bf/gf mo. Ang masakit dun, dumating na sa time na makikipag-hiwalay na sya sau. Wala ka ng magagawa, kundi tanggapin na lang. Sino ang may kasalanan dun? Ikaw. Walang dapat sisihin kundi ikaw. Ikaw na masyadong confident sa alam mo na nandyan lang yung tao na un para sau kung kailan mo siya kailangan. Dahil sa yun ang alam mo, iniisip mong kahit anong gawin mo eh hindi magbabago yung pagtingin niya sau. Kaya ikaw naman, nagpaka-over confident. You changed to the point na through good times mo na lang dinadamayan yung bf/gf mo. Well, ang masasabi ko lang. Hindi sa lahat ng panahon, kayang intindihin ng tao yung mga ginagawa mo. Pwedeng ngaun naiintindihan ka niya, pero bukas hindi na. Lalo na kung pagod na sya. Pagod sa mga panahon na puro ikaw na lang yung iniintindi niya. Sa isang relasyon, dapat alam niyo kung anu ung role nyo para sa isa't isa. Hindi puro ikaw lang, hindi puro siya lang. Everything has to be FAIR. Wag kang hihingi ng 'di mo kayang ibigay. Wag kang mag eexpect ng mga bagay na beyond sa alam mong kaya ng karelasyon mo. Dahil lahat ng tao may limit. Kung gusto mo siya makasama pa ng matagal at kung talagang gusto mong mag work pa yung relasyon nyo, work with it. BE IN IT. Hindi dapat laro ang tingin sa pag-ibig. Dahil baka kahit sa sarili mong laro, matalo ka.

Don't Keep a Word Inside You, Specially when it's Worth Saying.

Ganun pala pag naumpisahan mu ulit gawin yung dating nakasanayan mo. Nakakasabik, masarap ulit-ulitin. Hindi yang iniisip mo ha!. What i'm saying, is yung pag b-blog ko. Nangangati lagi yung daliri ko na mag type ng kung anu-ano kahit parang walang sense yung kakalabasan ng mga post ko. Siguro wala namang masama kung mage-express tau ng nararamdaman diba?. Minsan nga, sa pamamagitan ng pag express dun gumagann yung nararamdaman natin. Mahirap magtago ng nararamdaman, lalo na kung mabigat na yung dinadala mo. Parang kulang nalang sumabog na damdamin mo sa sobrang pagtatago. Parang volcano erruption. Dedo ka nun. Paglalamayan ka sigurado. Lamay?. (flashback) Bigla kong naalala yung late grandmother ko. She past away last jan. 31. Sad noh?. Hindi lang sad. Talagang dinamdam ko yung nangyari. Kulang nalang sumama ko sa kanya. Haay. Isa sya sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Actually, sya yung kinalakihan kong ina. Simula pagkabata ko, hanggang sa mga panahon bago sya mawala sya yung pinaka-mahal ko higit pa sa Papa ko. Close kami although hindi ako yung unang apo nya. Sabi nila, at ramdam ko rin naman na ako yung paborito nyang apo. Yung tipong ako lang yung pinaka may power samin na humiling sa kanya. Maaasahan kahit saan. Sa pera, sa problema. I still remember those times nung bata pa ko, papaluin na 'ko ni Papa nun. Takbo agad ako kay nanay, tapos yun pipigilan na nya si Papa. Syempre panalo ko. Hanggang naging dalaga na ko. Sya parin tagapag-tanggol ko. Kahit galit sakin buong mundo, sya kahit kelan hindi magagalit sakin. Kaya talagang mahirap mag keep ng emotions. Mahirap pigilan yung sarili para mag express. Tulad ko, ang laki ng pag sisisi ko. Oo matagal kami naging magkasama. Pero kung alam ko lang, mas dinalasan ko paglalambing sa kanya. Kung alam ko lang, ako na nagbantay sa kanya sa hospital all through out. At kung alam ko lang, nagpasalamat na ko sa lahat ng ginawa nya para sakin. (wipe tears) Pero hindi. Tinago ko yun sa pag aakala na marami pang panahon at pagkakataon para gawin lahat ng yun. First time ko mawalan ng kaanaktapos yung pinaka-mahalaga pa. Si tatay naman kasi walang naka-abot sakanya saming magpipinsan. Yun nga. Ang sakit sakit pala. Wala akonh tigil sa pagiyak nun. Talagang hindi ko kinaya. Hindi ako halos makapaniwala. Lahat ng pangaral nya at advises alam ko pa lahat. At hinding hindi ko yun makakalimutan. Kahit sa mga magiging anak ko, makakarating pa yun. Haay, if i could only turn back times. Lahat nasabi ko na sa kanya. Pero everyday. Alam kong nakakarating sa kanya lahat ng sinasabi ko kay God. Alam kong alam na niya kung gaano ko siya mami-miss. Kung gaano ko siya pinapasalamatan. Pero guys, payong kaibigan lang. Wag niyong hintayin na wala sa inyo yung isang tao bago niyo marealize na dapat niyo ng iexpress kung anu man yung gusto nyong sabihin sa kanila. Kung pwede, everyday nyong sabihin na salamat, at na mahal nyo sila. Before it's too late. Because i'm telling you, ang hirap kapag tibago nyo, pero wala ng chance para mailabas nyo pa. Ayun. The End!