Tuesday, February 24, 2009

Love. What a word.

Nasubukan mo na bang mag mahal ng sobra? Yung tipong alam mo na, na siya yung gusto mong makasama habang buhay. Meron ba talagang ganun? Nararamdaman ba un o hula lang?. Kung ako tatanungin, mahirap umasa sa ganon. Hindi naman nating kayang pangunahan yung panahon. Lahat pwede magbago in just a blink of an eye. Eh what if you're stuck? Stuck as in iisipin mo pa lang na mawawala siya sau eh todo emote at iyak ka na? Ang hirap diba?. Ako kasi, masasabi kong mahirap dahil i've been through that kind of situation. Situations pa nga eh, take note of the S. haha!. Pero seriously. Alam mo yung tipong mahal mo yung tao pero 'di mo naman maiwasang wag magalit sa kanya. Kahit simpleng bagay. Sabihin na nating non sense but you still get mad to that person without knowing why. Para ka lang tangang talak ng talak sa kanya kahit ikaw mismo nahihirapan isipin kung anu ung dahilan ng pagtalak mo. Oo natural may ginawa, pero is it enough para magalit ka ng ganon? Yun ba yung tinatawag na "sadista"? Sadista by words kumbaga. Kasi, 'di mo mapigilan sarili mo na magalit kahit nag explain na siya sau. Yung tipong ikaw na nga yung mali, ikaw pa may ganang magalit. Yun yung kinakalabasan ng isang relasyon na walang UNDERSTANDING. Totoo pala na kahit mahal na mahal na mahal niyo isa't isa eh it won't work without understanding. Bakit? Eh diba nga sa ganyan nagkakasakitan ang mag-asawa. Kahit mag jowa pa lang. Marami nang napapabalita ngaun na nagkakapatayan dahil jan. May kausap na iba si misis, nakita ni mister. Umuwi si misis, wala pa si mister. Umuwi si mister, lasing. Nakita si misis. Nagwala ng walang idea c misis kung bakit. Ayun! patay si misis. Ang dahilan? misunderstanding. Yung kausap pala ni misis eh yung kapitbahay nilang bakla. haha! stupid diba? You know, lahat naman madadaan sa pag uusap. Sa isang relasyon, mag asawa man kau o mag jowa kailangan ng COMMUNICATION. Dapat open kau sa isa't isa. Para alam nyo kung anu na ba dtanding nyo sa isa't isa. Mamaya masama na pala loob sau ng karelasyon mo, d mo pa alam. Dun nag uumpisa yung "falling out of love". Wala kang kaalam alam, nababawasan na pala pag mamahal sau ng bf/gf mo. Ang masakit dun, dumating na sa time na makikipag-hiwalay na sya sau. Wala ka ng magagawa, kundi tanggapin na lang. Sino ang may kasalanan dun? Ikaw. Walang dapat sisihin kundi ikaw. Ikaw na masyadong confident sa alam mo na nandyan lang yung tao na un para sau kung kailan mo siya kailangan. Dahil sa yun ang alam mo, iniisip mong kahit anong gawin mo eh hindi magbabago yung pagtingin niya sau. Kaya ikaw naman, nagpaka-over confident. You changed to the point na through good times mo na lang dinadamayan yung bf/gf mo. Well, ang masasabi ko lang. Hindi sa lahat ng panahon, kayang intindihin ng tao yung mga ginagawa mo. Pwedeng ngaun naiintindihan ka niya, pero bukas hindi na. Lalo na kung pagod na sya. Pagod sa mga panahon na puro ikaw na lang yung iniintindi niya. Sa isang relasyon, dapat alam niyo kung anu ung role nyo para sa isa't isa. Hindi puro ikaw lang, hindi puro siya lang. Everything has to be FAIR. Wag kang hihingi ng 'di mo kayang ibigay. Wag kang mag eexpect ng mga bagay na beyond sa alam mong kaya ng karelasyon mo. Dahil lahat ng tao may limit. Kung gusto mo siya makasama pa ng matagal at kung talagang gusto mong mag work pa yung relasyon nyo, work with it. BE IN IT. Hindi dapat laro ang tingin sa pag-ibig. Dahil baka kahit sa sarili mong laro, matalo ka.

Don't Keep a Word Inside You, Specially when it's Worth Saying.

Ganun pala pag naumpisahan mu ulit gawin yung dating nakasanayan mo. Nakakasabik, masarap ulit-ulitin. Hindi yang iniisip mo ha!. What i'm saying, is yung pag b-blog ko. Nangangati lagi yung daliri ko na mag type ng kung anu-ano kahit parang walang sense yung kakalabasan ng mga post ko. Siguro wala namang masama kung mage-express tau ng nararamdaman diba?. Minsan nga, sa pamamagitan ng pag express dun gumagann yung nararamdaman natin. Mahirap magtago ng nararamdaman, lalo na kung mabigat na yung dinadala mo. Parang kulang nalang sumabog na damdamin mo sa sobrang pagtatago. Parang volcano erruption. Dedo ka nun. Paglalamayan ka sigurado. Lamay?. (flashback) Bigla kong naalala yung late grandmother ko. She past away last jan. 31. Sad noh?. Hindi lang sad. Talagang dinamdam ko yung nangyari. Kulang nalang sumama ko sa kanya. Haay. Isa sya sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Actually, sya yung kinalakihan kong ina. Simula pagkabata ko, hanggang sa mga panahon bago sya mawala sya yung pinaka-mahal ko higit pa sa Papa ko. Close kami although hindi ako yung unang apo nya. Sabi nila, at ramdam ko rin naman na ako yung paborito nyang apo. Yung tipong ako lang yung pinaka may power samin na humiling sa kanya. Maaasahan kahit saan. Sa pera, sa problema. I still remember those times nung bata pa ko, papaluin na 'ko ni Papa nun. Takbo agad ako kay nanay, tapos yun pipigilan na nya si Papa. Syempre panalo ko. Hanggang naging dalaga na ko. Sya parin tagapag-tanggol ko. Kahit galit sakin buong mundo, sya kahit kelan hindi magagalit sakin. Kaya talagang mahirap mag keep ng emotions. Mahirap pigilan yung sarili para mag express. Tulad ko, ang laki ng pag sisisi ko. Oo matagal kami naging magkasama. Pero kung alam ko lang, mas dinalasan ko paglalambing sa kanya. Kung alam ko lang, ako na nagbantay sa kanya sa hospital all through out. At kung alam ko lang, nagpasalamat na ko sa lahat ng ginawa nya para sakin. (wipe tears) Pero hindi. Tinago ko yun sa pag aakala na marami pang panahon at pagkakataon para gawin lahat ng yun. First time ko mawalan ng kaanaktapos yung pinaka-mahalaga pa. Si tatay naman kasi walang naka-abot sakanya saming magpipinsan. Yun nga. Ang sakit sakit pala. Wala akonh tigil sa pagiyak nun. Talagang hindi ko kinaya. Hindi ako halos makapaniwala. Lahat ng pangaral nya at advises alam ko pa lahat. At hinding hindi ko yun makakalimutan. Kahit sa mga magiging anak ko, makakarating pa yun. Haay, if i could only turn back times. Lahat nasabi ko na sa kanya. Pero everyday. Alam kong nakakarating sa kanya lahat ng sinasabi ko kay God. Alam kong alam na niya kung gaano ko siya mami-miss. Kung gaano ko siya pinapasalamatan. Pero guys, payong kaibigan lang. Wag niyong hintayin na wala sa inyo yung isang tao bago niyo marealize na dapat niyo ng iexpress kung anu man yung gusto nyong sabihin sa kanila. Kung pwede, everyday nyong sabihin na salamat, at na mahal nyo sila. Before it's too late. Because i'm telling you, ang hirap kapag tibago nyo, pero wala ng chance para mailabas nyo pa. Ayun. The End!

My Comeback?

Nice title ba?. well, ilang months narin kasi akong nawala sa blogger community.
As in nawala talaga. ewan ko nga ba. Siguro tinamad lang ako ng konti. Isa pa medyo busy sa iskwela. Speaking of iskwela, hindi ako pumasok ngaun. Haha! wala lang. Galit kasi ako sa mundo ngaun. Ito rin siguro ung "other reason" ko kung bakit ako bumalik sa pag blog. As i was saying, hindi nga ako pumasok dahil 12:00 na ko nagising. Sinadya ko mag puyat kagabi sa paglalaro ng dota. At sinasabayan ko rin ng hunger strike. Bakit kamo? wala lang, ayaw pa kasi ako ibili ng bagong cellphone ng aking ama. Ayun, sa sobrang tampo ko nag sesenti ako ngaun. Mababaw ba? Eh ikaw ba naman mag tiis sa cellphone na pwede nang ipamato sa touching? Mataas naman mga grades ko ngaun. Siguro naman i deserve a reward diba? And besides, ilang taon ko ng cellphone yun. Minana ko pa sakanya. Kamusta naman diba?. haay. Pero ayos lang. Atleast alam na nila kung ano kailangan ko. Eh bakit nga ba ksi mahalaga na sa panahon ngaun ang cellphone? Ikaw alam mo ba? Ewan ko ha, pero sa tingin ko kahit pulubi gumagamit ng cellphone. haha! Nakakatawa nga eh. Mas priority pa sa panahon ngaun ung load kesa ipambili ng miryenda. Aminin mo. Diba pag may nagtext sau na importante at nagkataong wala kang load, sukdulang mangutang ka o mangupit ng bente sa nanay mo makapag-unli lang. Lalo na pag once in a blue moon lang kung magtext ung tao na un. Dati naman kahit walang cellphone ok parin. Mas ok nga eh. Dahil hindi pa uso noon yung mga text relationships ba un? basta un na un. Eh ngaun, manligaw lang sau ung textmate mo sasagutin mo na agad without any idea kung anu ba itsura nia. Talking about itsura, pano nalang kapag dumating ung time na mag meet kau? At bigla nalang nasira mga pangarap mo dahil ang inaakala mong prince charming unexpectedly turned into a frog prince?. Saklap! Well, goodluck na lang. Para kasi sakin, kung may pinagsamahan na kau sa text, eh mahirap ng makalimutan lahat ng moments nyo na un. Sabi nga nila love is blind diba? Kaya kahit d mo pa nakikita ung tao pwede mo siyang mahalin. You would probably take the risk na ung iniimagine mong itsura nya ay pwedeng hanggang imagination lang talaga. But who knows diba? Baka maka-jackpot ka. Ganon naman ang ang love diba? Taking the risks of being hurt. Pero bakit nga ba kailangang masaktan? Yun lang ba talaga sukatan ng pag mamahal? Ewan. Kung may nakaka-alam sa sagot ng tanong na yan, malamang walang nag su-suicide ngaun dahil iniwan siya ng boypren/gerlpren nya. Vain, yan ang sosyal na tawag. Better known as TANGA. Bakit ka mag su-suicide? Ah, dahil d mo kayang mabuhay ng wala sya? Eh hello?! ano tawag mo sa existence mo nung pinanganak ka until nung times na kakakilala mo pa lang sakanya? anu un? parang ka lang utot na iniri ng nanay mo? Hangin? Singaw? diba it makes sense? wag nating sinasabi na hindi natin kaya mabuhay ng wala ung certain person na reason ng pagkakaganyan mo. Dahil nanay at tatay lang naman natin ang accurate sa bintang na yan. Kaya wag gawing reason un para maaga kang makipag-kita kay satanas o San Pedro. Dahil ito ay pawang katangahan. Beep beep. Sorry sa masasagasaan. So kung iwan man tau ng mga minamahal natin, don't worry because there will come a time na mag hi-heal din ung sakit na dinulot satin nun. Matagal oo, pero wag tayo mainip. Kung gusto mu, habang hinihintay mu ung araw na un eh find urself something na pagkaka-abalahan mo. Like Blogging. Through blog mo ibuhos lahat ng ibubuhos mong emosyon. Kung wala ka namang sariling pc sa bahay nyo para regular kang makapag-blog, isulat mo. You know, marami taung pwede gawin para tulungan yung sarili nating mag heal. Besides, sarili lang naman talaga natin ang 99% sure na makakatulong satin. Sa ayaw man natin o sa gusto. Maghintay ka lang, hanggang sa dumating yung araw na pag gising mo hindi na masakit yung puso mo. Parang cellphone, wala kang magagawa kundi maghintay na magkusang loob ung tatay mo na sabihing "cge anak, bibilhan na kita ng bagong celpon mo".