Tuesday, February 24, 2009

Love. What a word.

Nasubukan mo na bang mag mahal ng sobra? Yung tipong alam mo na, na siya yung gusto mong makasama habang buhay. Meron ba talagang ganun? Nararamdaman ba un o hula lang?. Kung ako tatanungin, mahirap umasa sa ganon. Hindi naman nating kayang pangunahan yung panahon. Lahat pwede magbago in just a blink of an eye. Eh what if you're stuck? Stuck as in iisipin mo pa lang na mawawala siya sau eh todo emote at iyak ka na? Ang hirap diba?. Ako kasi, masasabi kong mahirap dahil i've been through that kind of situation. Situations pa nga eh, take note of the S. haha!. Pero seriously. Alam mo yung tipong mahal mo yung tao pero 'di mo naman maiwasang wag magalit sa kanya. Kahit simpleng bagay. Sabihin na nating non sense but you still get mad to that person without knowing why. Para ka lang tangang talak ng talak sa kanya kahit ikaw mismo nahihirapan isipin kung anu ung dahilan ng pagtalak mo. Oo natural may ginawa, pero is it enough para magalit ka ng ganon? Yun ba yung tinatawag na "sadista"? Sadista by words kumbaga. Kasi, 'di mo mapigilan sarili mo na magalit kahit nag explain na siya sau. Yung tipong ikaw na nga yung mali, ikaw pa may ganang magalit. Yun yung kinakalabasan ng isang relasyon na walang UNDERSTANDING. Totoo pala na kahit mahal na mahal na mahal niyo isa't isa eh it won't work without understanding. Bakit? Eh diba nga sa ganyan nagkakasakitan ang mag-asawa. Kahit mag jowa pa lang. Marami nang napapabalita ngaun na nagkakapatayan dahil jan. May kausap na iba si misis, nakita ni mister. Umuwi si misis, wala pa si mister. Umuwi si mister, lasing. Nakita si misis. Nagwala ng walang idea c misis kung bakit. Ayun! patay si misis. Ang dahilan? misunderstanding. Yung kausap pala ni misis eh yung kapitbahay nilang bakla. haha! stupid diba? You know, lahat naman madadaan sa pag uusap. Sa isang relasyon, mag asawa man kau o mag jowa kailangan ng COMMUNICATION. Dapat open kau sa isa't isa. Para alam nyo kung anu na ba dtanding nyo sa isa't isa. Mamaya masama na pala loob sau ng karelasyon mo, d mo pa alam. Dun nag uumpisa yung "falling out of love". Wala kang kaalam alam, nababawasan na pala pag mamahal sau ng bf/gf mo. Ang masakit dun, dumating na sa time na makikipag-hiwalay na sya sau. Wala ka ng magagawa, kundi tanggapin na lang. Sino ang may kasalanan dun? Ikaw. Walang dapat sisihin kundi ikaw. Ikaw na masyadong confident sa alam mo na nandyan lang yung tao na un para sau kung kailan mo siya kailangan. Dahil sa yun ang alam mo, iniisip mong kahit anong gawin mo eh hindi magbabago yung pagtingin niya sau. Kaya ikaw naman, nagpaka-over confident. You changed to the point na through good times mo na lang dinadamayan yung bf/gf mo. Well, ang masasabi ko lang. Hindi sa lahat ng panahon, kayang intindihin ng tao yung mga ginagawa mo. Pwedeng ngaun naiintindihan ka niya, pero bukas hindi na. Lalo na kung pagod na sya. Pagod sa mga panahon na puro ikaw na lang yung iniintindi niya. Sa isang relasyon, dapat alam niyo kung anu ung role nyo para sa isa't isa. Hindi puro ikaw lang, hindi puro siya lang. Everything has to be FAIR. Wag kang hihingi ng 'di mo kayang ibigay. Wag kang mag eexpect ng mga bagay na beyond sa alam mong kaya ng karelasyon mo. Dahil lahat ng tao may limit. Kung gusto mo siya makasama pa ng matagal at kung talagang gusto mong mag work pa yung relasyon nyo, work with it. BE IN IT. Hindi dapat laro ang tingin sa pag-ibig. Dahil baka kahit sa sarili mong laro, matalo ka.

No comments: