Friday, June 13, 2008

Panaginip

Sa kalagitnaan ng gabi
ako'y nagising
Tahimik lang, sa aking
kawartong madilim
Luha'y biglang tumulo
sa mga mata
Na tila ba nagbalik
sa aking pagkabata
Hindi ko alam ang
eksaktong dahilan
Kung bakit pagluha'y
'di mapigilan
Bigla na lang nagbalik
sa ala-ala,
Ang sakit na dala
ng pag-iisa.

Pinilit kong patahanin
ang sarili
Ngunit walang paraang
mawari
Kalungkutan ay lalong
naramdaman,
Dahil sa minahal kong
'di pangkaraniwan
Kung sayo'y aking
sasabihin
Siya ay hindi ko
maihahambing
Nag-iisa siyang walang
kapantay
Patuloy kong mamahalin
habang buhay.

Sabay sa pagtunog ng
aking orasan
Ang pagpintig ng pusong
siya ang laman
Ninanais na sana'y
magbalik,
Masasayang ala-ala
kahit saglit
Ngunit tila ba hindi na
maibabalik
Ang mga sandaling puno
ng yakap at halik
Itatago parin sa ala-ala
at puso
Ang pag-ibig ko sakanya,
ang mahal ko.

Sinubukang ipikit ang aking
mga mata
Hinihiling na maglaho
masasakit na ala-ala
Ngunit sa aking pag-pikit
ay sadyang sumusingit
Ang siyang dahilan ng aking
pagtangis
Imahe niya sa aking panaginip
Tila ba ako'y kanyang
kinilik
Niyakap niya ako ng
mahigpit
Na parang wala ng bukas
na sasapit.

Saglit na gumaan
ang pakiramdam
Nabawasan ang hirap
na dinaramdam
Saya sa mukha'y 'di
mapigil
Na tila pag-iibiga'y
'si basta titigil.

Hanggang sa nagising
isang umaga
Lahat ng nangyari'y
panaginip lang pala
Noon ko lang lubos
naisip
Sa buhay, 'di lahat isang
magandang panaginip.

No comments: