Tuesday, June 10, 2008

Di na Natuto

kahapon nakita mo s`ya

masaya`t may kasamang iba

nakita ka niyang nakamasid

nag-iisa lang sa isang gilidpinuntahan ka n`ya,

syempre may kasama

ikaw namang si tangapilit pa ring umaasa

lagi mong sinasabi

na maghihintay ka

kahit sa pakiramdam mo`y

mayroon s`yang iba

sabi nila`y tigilan ang umasa

ngunit laman ng puso`y

tanging s`ya

hanggang kailan pa aasa?

kung ang laging pinipili nya`y iba

sana naman maisip mo,

na maraming mas karapat dapat

sa pagmamahal na sa kanya`y sinasayang mo

No comments: