Thursday, April 2, 2009
How to get Over on a Past Relationship?
Sabi nila past is past. Sabi lang nila yun. Sinong abnormal ba ang nakakamove-on ng overnight lang? Para sakin mahirap makalimot. In my own experience kasi (ayan na!) uhm, mahirap talaga. Lalo na kapag the two of you had a really good relationship with each other. At mas lalo na, if both of you had been through a long-term-relationship. On the first two days ng break-up nyo, nagagawa mo pang mag matigas at mag panggap na ok ka kahit ang totoo e gusto mo ng mag-suicide dahil sa nangyari. Paano nga ba at ano ang mga dapat at 'di dapat gawin para makamove-on?
~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~
First of all, wag mo na siyang isipin. Oo mahirap pero try not to think of that person anymore. Go out with your friends. Mag libang ka at gawin mo yung mga bagay na sa tingin mo ay makakalimutan mo yung nangyari sayo. Stay involved with the other people in your life. Marami sila na handang dumamay sayo. Pag aralan mo ng tanggapin yung katotohanan na your relationship has ended.
Alisin mo na lahat ng contacts mo sa kanya. Minsan nate-tempt tayo na makipag-usap sa kanila. At kapag ginawa mo pa yun, lalo ka lang mahihirapan. Imbes na pag-aralan mo ng wala siya, sinasaktan mo pa lalo yung sarili mo sa pakikipag-communicate sa kanya. Dahil useless narin naman yung magiging paguusap niyo. It has nothing to do with your self and for you to move-on.
Piliin mo yung type of music na papakinggan mo. Its ok na makinig sa music just make sure na hindi senti. AT make sure na hindi ito nakakapagpa-alala sa masakit na pinagdadaanan mo. Music is powerful in manipulating our emotions. Kaya kung makikinig ka sa music, make sure na kanta yan ni Willie Revillame o kaya ni Vhong Navarro para masaya.
Start dating again! Not immediatetly but be open to it aba aba 'di pa katapusan ng mundo. Single ka so why not dba? Hindi masama na kumilala ng mga bagong tao sa buhay mo. Wag kang mag mukmok. Dapat nga mas madami kang mapatunayan sakanya at sa sarili mo pagkatapos ng nangyari. 'Di mo alam kung kelan ka ulit mag mamahal. At wag mong pipigilan yung sarili mo na magmahal ulit
Focus on yourself. Hindi porket nag hiwalay kayo ay hindi ka naging mabuting partner. Meron lang talagang mga bagay na mas makakabuti kung ititigil na lang, kaysa ipilit. Dahil malay mo, talagang may ibang tao na mas laan para sayo.
~~~~~~~~~~~~~~ ^^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~
P.S
Opinyon ko lang ang mga yan. Nasa sainyo parin kung anong paraan ang mas madali at sa tingin niyo ay mas makakabuti sa inyo. Happy Healing! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
mahirap yan...
lalo na kung Yummy ang gelpren ko...lolz....
juk lang..
no comment ako actually..di ko pa naranasan to e...one woman man e...hahahaha..
wow. saludooo ko sau prof. haha.
wow may tips...tamang tama ang timing sa akin...lolz..
lol.
mukang broken ka ah.
hahaha.
galing naman nung mga advice mo...sige susundan ko po yang mga yan... :)
masakit talaga ang break up kasi umaasa ka pa na may pag asa pa.. pro masasanay ka rin na ala xa..
Post a Comment