Nice title ba?. well, ilang months narin kasi akong nawala sa blogger community.
As in nawala talaga. ewan ko nga ba. Siguro tinamad lang ako ng konti. Isa pa medyo busy sa iskwela. Speaking of iskwela, hindi ako pumasok ngaun. Haha! wala lang. Galit kasi ako sa mundo ngaun. Ito rin siguro ung "other reason" ko kung bakit ako bumalik sa pag blog. As i was saying, hindi nga ako pumasok dahil 12:00 na ko nagising. Sinadya ko mag puyat kagabi sa paglalaro ng dota. At sinasabayan ko rin ng hunger strike. Bakit kamo? wala lang, ayaw pa kasi ako ibili ng bagong cellphone ng aking ama. Ayun, sa sobrang tampo ko nag sesenti ako ngaun. Mababaw ba? Eh ikaw ba naman mag tiis sa cellphone na pwede nang ipamato sa touching? Mataas naman mga grades ko ngaun. Siguro naman i deserve a reward diba? And besides, ilang taon ko ng cellphone yun. Minana ko pa sakanya. Kamusta naman diba?. haay. Pero ayos lang. Atleast alam na nila kung ano kailangan ko. Eh bakit nga ba ksi mahalaga na sa panahon ngaun ang cellphone? Ikaw alam mo ba? Ewan ko ha, pero sa tingin ko kahit pulubi gumagamit ng cellphone. haha! Nakakatawa nga eh. Mas priority pa sa panahon ngaun ung load kesa ipambili ng miryenda. Aminin mo. Diba pag may nagtext sau na importante at nagkataong wala kang load, sukdulang mangutang ka o mangupit ng bente sa nanay mo makapag-unli lang. Lalo na pag once in a blue moon lang kung magtext ung tao na un. Dati naman kahit walang cellphone ok parin. Mas ok nga eh. Dahil hindi pa uso noon yung mga text relationships ba un? basta un na un. Eh ngaun, manligaw lang sau ung textmate mo sasagutin mo na agad without any idea kung anu ba itsura nia. Talking about itsura, pano nalang kapag dumating ung time na mag meet kau? At bigla nalang nasira mga pangarap mo dahil ang inaakala mong prince charming unexpectedly turned into a frog prince?. Saklap! Well, goodluck na lang. Para kasi sakin, kung may pinagsamahan na kau sa text, eh mahirap ng makalimutan lahat ng moments nyo na un. Sabi nga nila love is blind diba? Kaya kahit d mo pa nakikita ung tao pwede mo siyang mahalin. You would probably take the risk na ung iniimagine mong itsura nya ay pwedeng hanggang imagination lang talaga. But who knows diba? Baka maka-jackpot ka. Ganon naman ang ang love diba? Taking the risks of being hurt. Pero bakit nga ba kailangang masaktan? Yun lang ba talaga sukatan ng pag mamahal? Ewan. Kung may nakaka-alam sa sagot ng tanong na yan, malamang walang nag su-suicide ngaun dahil iniwan siya ng boypren/gerlpren nya. Vain, yan ang sosyal na tawag. Better known as TANGA. Bakit ka mag su-suicide? Ah, dahil d mo kayang mabuhay ng wala sya? Eh hello?! ano tawag mo sa existence mo nung pinanganak ka until nung times na kakakilala mo pa lang sakanya? anu un? parang ka lang utot na iniri ng nanay mo? Hangin? Singaw? diba it makes sense? wag nating sinasabi na hindi natin kaya mabuhay ng wala ung certain person na reason ng pagkakaganyan mo. Dahil nanay at tatay lang naman natin ang accurate sa bintang na yan. Kaya wag gawing reason un para maaga kang makipag-kita kay satanas o San Pedro. Dahil ito ay pawang katangahan. Beep beep. Sorry sa masasagasaan. So kung iwan man tau ng mga minamahal natin, don't worry because there will come a time na mag hi-heal din ung sakit na dinulot satin nun. Matagal oo, pero wag tayo mainip. Kung gusto mu, habang hinihintay mu ung araw na un eh find urself something na pagkaka-abalahan mo. Like Blogging. Through blog mo ibuhos lahat ng ibubuhos mong emosyon. Kung wala ka namang sariling pc sa bahay nyo para regular kang makapag-blog, isulat mo. You know, marami taung pwede gawin para tulungan yung sarili nating mag heal. Besides, sarili lang naman talaga natin ang 99% sure na makakatulong satin. Sa ayaw man natin o sa gusto. Maghintay ka lang, hanggang sa dumating yung araw na pag gising mo hindi na masakit yung puso mo. Parang cellphone, wala kang magagawa kundi maghintay na magkusang loob ung tatay mo na sabihing "cge anak, bibilhan na kita ng bagong celpon mo".
No comments:
Post a Comment