Tuesday, February 24, 2009

Don't Keep a Word Inside You, Specially when it's Worth Saying.

Ganun pala pag naumpisahan mu ulit gawin yung dating nakasanayan mo. Nakakasabik, masarap ulit-ulitin. Hindi yang iniisip mo ha!. What i'm saying, is yung pag b-blog ko. Nangangati lagi yung daliri ko na mag type ng kung anu-ano kahit parang walang sense yung kakalabasan ng mga post ko. Siguro wala namang masama kung mage-express tau ng nararamdaman diba?. Minsan nga, sa pamamagitan ng pag express dun gumagann yung nararamdaman natin. Mahirap magtago ng nararamdaman, lalo na kung mabigat na yung dinadala mo. Parang kulang nalang sumabog na damdamin mo sa sobrang pagtatago. Parang volcano erruption. Dedo ka nun. Paglalamayan ka sigurado. Lamay?. (flashback) Bigla kong naalala yung late grandmother ko. She past away last jan. 31. Sad noh?. Hindi lang sad. Talagang dinamdam ko yung nangyari. Kulang nalang sumama ko sa kanya. Haay. Isa sya sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Actually, sya yung kinalakihan kong ina. Simula pagkabata ko, hanggang sa mga panahon bago sya mawala sya yung pinaka-mahal ko higit pa sa Papa ko. Close kami although hindi ako yung unang apo nya. Sabi nila, at ramdam ko rin naman na ako yung paborito nyang apo. Yung tipong ako lang yung pinaka may power samin na humiling sa kanya. Maaasahan kahit saan. Sa pera, sa problema. I still remember those times nung bata pa ko, papaluin na 'ko ni Papa nun. Takbo agad ako kay nanay, tapos yun pipigilan na nya si Papa. Syempre panalo ko. Hanggang naging dalaga na ko. Sya parin tagapag-tanggol ko. Kahit galit sakin buong mundo, sya kahit kelan hindi magagalit sakin. Kaya talagang mahirap mag keep ng emotions. Mahirap pigilan yung sarili para mag express. Tulad ko, ang laki ng pag sisisi ko. Oo matagal kami naging magkasama. Pero kung alam ko lang, mas dinalasan ko paglalambing sa kanya. Kung alam ko lang, ako na nagbantay sa kanya sa hospital all through out. At kung alam ko lang, nagpasalamat na ko sa lahat ng ginawa nya para sakin. (wipe tears) Pero hindi. Tinago ko yun sa pag aakala na marami pang panahon at pagkakataon para gawin lahat ng yun. First time ko mawalan ng kaanaktapos yung pinaka-mahalaga pa. Si tatay naman kasi walang naka-abot sakanya saming magpipinsan. Yun nga. Ang sakit sakit pala. Wala akonh tigil sa pagiyak nun. Talagang hindi ko kinaya. Hindi ako halos makapaniwala. Lahat ng pangaral nya at advises alam ko pa lahat. At hinding hindi ko yun makakalimutan. Kahit sa mga magiging anak ko, makakarating pa yun. Haay, if i could only turn back times. Lahat nasabi ko na sa kanya. Pero everyday. Alam kong nakakarating sa kanya lahat ng sinasabi ko kay God. Alam kong alam na niya kung gaano ko siya mami-miss. Kung gaano ko siya pinapasalamatan. Pero guys, payong kaibigan lang. Wag niyong hintayin na wala sa inyo yung isang tao bago niyo marealize na dapat niyo ng iexpress kung anu man yung gusto nyong sabihin sa kanila. Kung pwede, everyday nyong sabihin na salamat, at na mahal nyo sila. Before it's too late. Because i'm telling you, ang hirap kapag tibago nyo, pero wala ng chance para mailabas nyo pa. Ayun. The End!

No comments: