They say everything happens for a reason. And whatever the reason is, we wouldn't know until that certain thing happened.
Here's my first comeback blog after a long time. Nakaka-miss nga e, kaya eto super type nanaman ako habang tulog yung baby ko. What about being a young parent? masaya, na mahirap. At first I admit na nahirapan ako mag-adjust. to the point na parang nadepressed ako for so many reasons. Like hindi ako makasama sa gimik ng barkada, hindi makagala, hindi na makalaro ng dance revo and stuffs like that. Alam kong i shouldn't feel like that but I did. Naramdaman ko na lang suddenly na iba na nga talaga ang buhay ko. Malayo sa dating buhay ko. It's not about me alone anymore, it's about my baby and me being his mother now. Unti-unti natanggap ko na. Nasanay na din ako. I never expected na I would have a kid as early as now. But as I said earlier everything happens for a reason, and I think na yung reason e maging responsible at mas mature na ko. I'm a breasfeeding mom, and with that talagang 'di ako pwede lumayo sa anak ko. Isa pa, ayaw nya talaga sa bote. Ewan ko ba, nung pinanganak ko naman sya sa bote sya unang nag feed kasi naiwan pa sya sa nursery ng hospital. Siguro nga I'm meant to breastfeed. guh!. Pero It's ok. I'm enjoying it. Madali nga ako nag loose ng weight e. And! healthy pa si baby.
Sabi nila parang mag-kapatid lang kami ng anak ko. I don't know why pero that's everyone says. Sabi pa ng isang friend ko "wala naman nagbago sa'yo, nagkaroon ka lang ng bitbit na bata that's all". Ewan ko kung mafla-flatter ba 'ko e. Hahaha. Pero siguro nga. I can say na I'm enjoying being a mom to him. Kahit napupuyat, I'm getting used to it. Parang nung wala pa kong baby. Puyat din ako lagi, ang kaibahan lang sa kaka-computer at hindi sa baby. Madami na ko natututunan sa pagiging isang magulang. Natuto 'ko maging mas patient, understanding at higit sa lahat responsible.
Being a young parent doesn't mean that you failed in your life. It just means that you have to do more and be more responsible because you're not alone anymore in your journey to succeed.
1 comment:
Ang sarap ng feeling na maging magulang sa murang edad, yun nga lang, andun talaga ung hirap pero worth it naman dahil nakikita mo talaga sa anak mo ung resulta ng paghihirap mo :)
napadaan lang :)
Post a Comment